Naglalakad ako papasok sa subdivition namin na dala pa din ang sinabi ni Stefen. Maniniwala ba ko? O Sapat na ang nalaman ko mula kay mich para hindi maniwala? Pupunta o hindi? Ughhh! Sumasakit ulo ko!
"Jim!" Narinig ko ang boses ng lalaking pinkamamahal ko. Naks. Pinakamamahal. Lalim.
Nakita ko siya na nasa loob ng kotse niya na huminto sa gilid ko.
Bumaba siya at hinarap ako.
"Sorry hindi ko agad nabasa yung text mo. Bakit ngayon ka pa lang nakauwi? May pinuntahan ka pa? Gabi na"
Sasabihin ko ba sa kaniya na kinausap ako ni mich tungkol sa pangba-blackmail niya sa kanila at sa pagsumbong ni stefen sa daddy ni mich pati sa pagaaya sakin ni stefen bukas para sabihin ang kung ano mang importante na tungkol kay bren na hindi pwedeng sabihin sa kaniya? Syempre hindi.
"May pinuntahan lang ako" Ngumiti ako sa kaniya pero hindi siya ngumiti.
"Saan?"
"Sa coffee shop"
"Anong ginawa mo dun?"
"Nag kape?"
"Alam ko pero bakit kailangan sa coffee shop pa? Hindi ba pwedeng sa bahay?" Sabi niya at hinawakan ang pisngi ko.
"Pampawala ng stress" Ngumiti ako at inalis ang hawak niya sa pisngi ko. Ang lakas ng trip namin diba? Sa gitna ng daan gumawa ng senaryo.
"Why do you have to go on that coffee shop to relieve your stress if i'm already here? I can be your stress reliever, your coffee bean" Nakangiti niyang sabi. Coffee bean? Hahaha.
"So am I going to call you coffee bean from now on?"
Tumawa kami pareho at nakaramdam ako ng konting guilt. Bakit ko ba kailangan itago kay bren ang pagkikita namin bukas ni stefen? Pakiramdam ko niloloko ko siya.
Sumakay na kami ng kotse at hinatid na niya ko sa bahay.
"If i'm your coffee bean then You will be my sweet sugar" Natawa ako bigla sa sinabi niya.
"Sweet sugar? Baka naman langgamin ako" Tumigil ang kotse sa harap ng bahay namin at bumaba na ko.
"Bye, Coffee bean" Pagsara ko ng pinto ng kotse ay biglang bumukas ang kabilang pintuan.
"Oh? Di ka pa aalis?" Tanong ko kay bren. Sinara niya ang pinto at umiling.
"Sabi ko tutulungan kita diba?" Napangiti ako agad sa sinabi niya. Bakit ba lagi na lang niya ko pinapangiti, Kainis. Hahaha.
Pumasok kami sa loob ng bahay at wala pa din si jek. Madilim ang buong bahay at kinapa ko pa ang switch ng ilaw.
Pagbukas ko ng ilaw ay umupo agad si bren sa sofa, ako naman ay umakyat sa kwarto at nagbihis. Inayos ko ang mga notebooks ko at habang inaayos ko yun ay nagbivrate ang cellphone ko na nasa kama.
From: MyBrenVellana♥
Pwede kong ibukas TV niyo?
Natawa at napakamot ako sa noo ng mabasa ko yun. Kailangan pa bang itext.
To: MyBrenVellana♥
Pwede. 5 pesos per minute.
Bumaba ako dala ang mga notebooks at ballpens. Nakita kong hindi pa din bukas ang TV.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Roman pour AdolescentsMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)