"Not everything stay as thay are, sweety... Even you... Even him"
Siguro kung matatawag akong korni sa pagkakataong ito ay sige.. tawagin mo na kong ganun. Hindi ako mahilig sa palabas na ulit ulit ang ending. Sa mga palabas na laging nababaliw ang kontrabida at papatayin ang bida pero syempre, Hindi mamatay-matay ang bida.
Hindi din ako mahilig makinig ng mga love ekek sa radio. Yung mga kwento o yung mga kadramahan pero isang babaeng DJ ang sumira ng panananaw kong yun.
"Wag mag expect. Masasaktan ka lang.."
Muntik ko ng mabato ang hawak kong cellphone dahil sa biglang kumalabit sa likod ko.
"Ay putek!" Sigaw ko sa taong gumawa nun. Patayin daw ba ko sa gulat! Nandito kasi ako sa Theater Org. Room at mag isa lang ako. Wala pang tao dahil wala pa sila.
Tinanggal ko ang earphone ko at hinarap ang lalaking kumalabit sakin.
Ngumuso siya at nag sad face. Ano? Hindi siya cute.. Oo na! cute na! Bwisit.
"Nag text ako. Di ka nagreply" Sabi niya at kinuha ang cellphone sa kamay ko.
"That radio station again? Kailangan ko na bang magselos kay plastersxz dahil imbis na magreply ka sa text ko ay mas pinili mong makinig sa kaniya?" Tumawa ako at tumawa din siya ng mahina.
"Buti na lang babae yang si plastersxz" Pinisil niya ang pisngi ko at pinalo ko yun.
"Masakit! Putek!"
"Putek too" Hindi ko alam kung kikiligin ba ko o matatawa. Ang korni.
Pero kahit korni siya mahal ko pa din siya. Ayieeee. Korni ni jim.
Pumasok ang ilang member ng Theater Org. kasama si Ms. Sarrosa.
Napatingin sila saming dalawa at inalis din ang tingin. Nagpunta na sila sa kani-kanilang gawain.
"Wala kang naaalala?" Tanong ni bren.
"Wala"
"Anong Station ni plastersxz?"
"Station 77.7" Bigla siyang sumimangot. Parang bata eh.
"Buti pa si plastersxz naalala niya" Mula sa nakasimangot na mukha ay ngumiti siya at napatingin kaming dalawa kay Ms. Sarrosa na pumalakpak.
"Start na!" Napatingin ako kay bren na nakatingin pa din sakin. Hindi pa siya umaalis.
Ngumiti siya tapos pinisil ulit ang pisngi ko at sinabing..
"Happy Monthsarry Ferosa"
Watdaef.
Totoo?! Jia Maico?! Sa dinami dami ng kakalimutan! Monthsarry niyo pa?! Ugh.
"Jim? Anong plano? Hihintayin ang pasko?" Sabi ni Ms. Sarrosa at bumalik ako sa reyalidad dahil dun.
Naglakad na ko papunta ng stage at napatingin ako kay bren na kausap si Lyn sa taas ng stage. May hawak siyang papel at pangiti-ngiting kinakausap si Lyn.
Yung lalaking yun. Yung lalaking nakasama ko sa loob ng isang buwan. Isang lalaking hindi ko akalaing matino. Isang lalaking hindi ko akalaing makikilala ko at makaka-abot kami sa ganitong sitwasyon. Isang buwang kasama siya, Sa practice ng play, Sa pag gawa ng assingments at projects, Sa araw araw ng paghatid at pagsundo pero bakit nakalimutan ko ang araw na to? Ugh. Jim, Anong nangyayari •_•
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)