CHAPTER 9: Questions

875 25 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ko hihinga ng maayos.





Patay na si Ms. Santos?





"Joy, totoo ba?" Tanong ko kay Joy na nag tetext.





"Yung kay Ms. Santos? Oo e. Hindi ka ba nagbukas ng facebook? Nandun na yung picture niya. Eto oh." Pinakita niya sakin yung picture ni Ms. Santos na nakahiga, duguan at halos wala nang makitang malinaw sa buong katawan niya dahil nababalutan na ng dugo.





Kinilabutan ako ng makita ko yung litrato.





"Hindi ko nga alam kung sino nag upload ng picture e. Nakita ko lang din yan. Sabi nila suicide daw pero bakit naman mag su-suicide si Ms. Santos diba? Parang nung huli niyang pagtuturo sa 'tin ang saya-saya pa niya tapos nag suicide lang." Sabi ni Joy tapos tumayo at lumabas. Mahina daw kasi signal sa loob.





Suicide? Bakit naman siya magpapakamatay? Dahil ba kay bren?





Lumabas ako ng classroom at naglakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta naglakad lang ako.




Huminto ako sa harap ng classroom ng Section A. Kailangan kong maka usap si bren.





Kakatok na sana ako nang...





"Jim, kailangan kitang maka usap." Nakita ko si bren na nakatayo sa gilid ko. Nakasukbit yung bag niya sa kanang balikat.





Naglakad kami palabas ng building at pumunta sa garden malapit sa Building B.





Umupo ako sa upuan at tumabi din siya sakin.





"Si Ms. Santos." Sabi ko. "Alam mo na ba?" Tumango siya at wala pa ding sinasabi.





"Suicide daw. Alam mo ba kung bakit?" Tumingin siya sa 'kin nang parang gulat. Kinakabahan ako sa reaksyon niya. Nawala yung Bren na kasama ko kahapon. Parang naging... misteryoso?





Lumipas ang ilang minuto bago siya nagsalita.





"Hindi suicide." Sabi ni bren at ako naman ang nagulat ngayon.





"Anong ibig mong sabihin?"





"Murder." Lalo akong kinabahan dahil sa hitsura at sa tono ng pananalita niya. Parang ang dami niyang nalalaman.





"Gagawin ko lahat." sabi niya na may bahid ng takot ang mukha.





"Ano bang sinasabi mo bren?"





"Wag mong ilalabas yung picture. Gagawin ko lahat, liligawan ko na si Mich. Lahat lahat Jim. Itago mo lang yung picture." Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin. Naguguluhan ako, bakit murder? Anong kinalaman nung picture? Bakit nagkakaganito si Bren? Bakit parang alam niya?





"Ideneklara na murder ang kaso kanina lang. Namatay siya kagabi ng 9:00 pm." Sabi niya.





"Ano bang nangyari? "




"Sabi ng mga imbestigador, matinding pag aaway ng mag ka relasyon ang puno't dulo. Pinatay nung lalaki si Lorraine, si Ms. Santos dahil sa selos. Meron kasing naiwang text sa cellphone ni Lorraine pero galing sa unknown number. Tinawagan nila yung number pero wala na 'to." Umayos siya ng upo at sumandal.





"Pag nakita nila yung picture, aakalain nilang ako yung ka relasyon ni lorraine."





"Wala ba talaga kayong naging relasyon?" Diretsong tanong ko.





Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon