"Hoy gising" Napadilat ako nang maramdaman ko ang pag tanggal ng kumot sa katawan ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Napaiwas ako ng tingin ng mapansin kong wala siyang suot na damit pang itaas.
"Ginigising ka. Bumangon ka na may pupuntahan pa tayo. Bilis" Lumabas siya ng kwarto at sinara ng malakas ang pinto.
Sa tatlong araw naming mag kasama dito. Napapansin kong nag iiba siya. Laging mainit ang ulo at ang nakakainis sa lahat. Ang tingin niya sakin, katulong.
Ayoko sanang sumunod sa mga utos niya pero.. Ugh! Kailangan ko kasing bumawi. Kailangan kong ayusin kung ano yung nasira ko dati.
Tumayo ako at naghilamos. Biglang pumasok sa isip ko yung school works. Paano ako makakagraduate n'yan? Tingnan mo bren kung gaano kita kamahal. Kahit pag graduate ko kaya kong isapalaran. Naks.
"May itatagal ka pa ba?" Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko.
"Saglit lang"
Narinig kong nagbuntong hininga siya kasunod ng mga yabag. Buti naman umalis na siya.
Lalo ko pang binagalan. Makaganti manlang ako sa kaniya. Gawin ba naman akong katulong? Ako? Itong mukhang to? Katulong Oh, Come on.
Pagbaba ko ng hagdan ay nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala akong nakitang bren.
Lumabas ako ng bahay at nakita ko siyang nagduduyan. Lumapit ako sa kaniya at ngumiti.
"Tara na"
Hindi siya tumayo at tiningnan lang ako. Maya maya'y ngumiti siya pero hindi siya sakin nakatingin.
Napalingon ako sa nginingitian niya.
Nakita ko si Mia. She's wearing a floral dress.
Yung dress na mapapatanong ka ng 'Saang piyesta ang punta 'te?'
"Let's go?" Sabi ni bren kay Mia ng nakangiti. Kasama siya?
Ngumiti si Mia sakin.
"Magandang umaga, jim" Ngumiti lang ako sa kaniya.
"Tara na" Sabi ni bren sa seryosong tono habang nakatingin sakin.
Naglakad na sila ni Mia at ako naman ay nakasunod sa likod nila. Pakiramdam ko hindi ako kilala ni bren kung tratuhin niya ko. Pakiramdam ko wala lang ako sa kaniya. Teka, Ano na nga ba ko sa kaniya ngayon? Alam kong galit siya sakin dahil iniwan ko siyang nakaluhod sa harap ng simbahan. Iniwan ko siyang mukhang tangang naghihintay sa sagot ko.
Kasalanan ko, oo na. Kaya nga ako babawi sa kaniya, eh. Gusto ko ng mabalik yung dati pero parang ayaw na niya.
Tawa sila ng tawa ni Mia. Ni'hindi manlang tumingin sakin si bren. Teka, saan ba kami pupunta?
Biglang huminto yung dalawa sa paglalakad kaya napahinto din ako.
"Bakit?" Tanong ko. Si Mia lang ang lumingon sakin.
"May putik" Napatingin ako sa harapan nila at oo nga, may putik. Napatingin din ako sa floral dress ni Mia. Kawawang dress. Buti na lang naka walking shorts at T-shirt na black ako.
Tinanggal ni Bren ang sinelas niya at tumingin sakin.
Ngumiti siya sakin at biglang lumuhod.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)