"Hello everyone! It's Sunday Morning. This is your sowper dowper sexy DJ. DJ Plasters!" Kunwari ay may nagpalakpakang tao. Napapa buntong hininga na lang ako dahil sa traffic.
"Jun. Kilala mo ba yung DJ na yan? Maganda daw 'yan sa personal e." Sabi nung katabi ko sa jeep na kausap yung kaharap niya.
"Ah, Si plasters? Oo nga daw." Sabi naman nung kausap nung lalaki. Plasters? Ang jeje. Saka, band aid yon di ba?
"Para po." Bumaba na ko at pumasok na sa mall. Bibili ako ng DVD dahil nasira ni Jek yung DVD. Nagalit si tita sa kaniya at pinabili na lang ako ng bago. Hindi sumama si Jek dahil may lakad daw siya. Napakabait talaga nun. Di manlang ako samahan.
Pumunta ako sa tindahan ng mga DVD at nagtingin tingin. Nag ring ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ng taong ayoko munang maka usap. Simula biyernes ng gabi pati kahapon ay tawag siya ng tawag pero hindi nag tetext.
Pinatay ko yung tawag niya pero tawag pa din siya ng tawag. Kaya pinatay ko na lang yung cellphone ko. Ayoko siyang maka usap. IHACOYJMF pa siya!
Dahil wala pa kong napipili at nagugutom na ko. Mamaya na lang ako bibili, kakain muna 'ko.
Pumunta ako sa Greenwich para kumain ng paborito kong lasagna.
Matapos kong um-order ay kinain ko na agad yung lasagna. Wala naman na kong pwedeng gawin dun eh.
Habang kumakain ay muntik ko nang maibuga yung kinakain sa mukha nung lalaking biglang umupo sa harapan ko.
Nasamid ako pero inabutan niya ko ng tubig. Matapos kong uminom ay tiningnan ko siya habang tumatawa.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya. Bigla biglang sumusulpot. Kabute talaga e.
"Sinusundan ka, masama?" Kinuha niya yung baso ko at uminom. Aba't talaga nga naman!
"Masama."
"Hindi a."
"Masama."
"Hindi"
"Masama."
"IHACOYJMF." Ngumiti siya sa 'kin at nabilaukan na naman ako. Balak ba kong patayin nito sa bilaok?
Uminom ako at muntik ko nang maibuga yung tubig sa sinabi niya.
"Indirect kiss" Tumawa siya at pagkatapos kong uminom ay binato ko siya ng tissue.
"Sira."
"Alam mo na yung meaning?" Sabi niya. Nothing ng IHACOYJMF?
Tumango lang ako at lumawak naman yung ngiti niya.
"Gusto mo bang malaman lahat?" Tumingin ako sa kaniya at kinuha niya yung garlic bread sa plato ko.
"Akin yan!" Kukunin ko pa sana pero kinagatan na niya.
"Sasabihin ko sayo, samahan mo ko." Tumayo siya at buti na lang ubos ko na yung lasagna at sumunod na ako sa kaniya. Kung ano man ang gusto niyang sabihin ay bahala na, kailangan ko yun para matahimik na ko.
Dumiretso kami sa isang bench at umupo.
"Ano? Sabihin mo na." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)