JIA MAICO FEROSA'S POV
(Play IN THE LONELY HOUR by SAM SMITH while reading this chapter. Thanks.)
"Ano bang nangyari? Okay ka lang ba?"
Nakatitig ako sa cellphone na hawak ko. Gusto ko ng umalis dito sa hospital. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng umiyak ng umiyak pero biglang nawalan ng luha ang mga mata ko. Napagod na din atang umiyak. Kahit ako... Pagod na din ako.
"Okay lang ako" Umiwas ako ng tingin kay Light. I really need to go.
"Uwi na ko" Tumayo ako at naglakad palabas. Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon niya.
Hindi ko alam kung ano na ang hitsura ko ngayon. Ang mahalaga makapunta ako sa taong alam kong mapapagaan ang loob ko.
Sumakay ako ng jeep at halos lahat ng tao nakatingin sakin. Medyo madumi na din ang suot kong white dress, gulo gulo na din siguro ang buhok at make-up ko pero hindi na yun mahalaga sakin.
Bumaba ako sa isang sementeryo. Naglakad ako papunta sa puntod nila mama at papa.
Nang makita ko ang lapida nila ay biglang bumuhos ang mga luha ko. Parang hinihimas na agad ni mama ang likod ko habang si papa ay niyayakap ako. Sana nga totoo yun, Sana nandito talaga sila. Yung pagmamahal ng magulang ang isa sa pinakamahalaga sa lahat. Dahil yun yung pagmamahal na hindi ka iiwan, hindi ka sasaktan at iyon yung pagmamahal na panghabang buhay.
Sumalampak ako sa damuhan habang humahagulgol ng iyak.
"Ma, Pa. Akala ko huling iyak ko na ng sobra yung araw na nawala kayo... Hindi pala" Nagpahid ako ng luha. "May isa pa palang dahilan. Wag po kayong magagalit sa kaniya, mabait naman po si bren. Hindi po siya nagkulang pero..." Napatingala ako. "Lagi niya kong pinapaiyak"
"Hindi ko nga po akalain na siya yung taong makakapagpangiti sakin at makakapagpaiyak sakin. Wala akong kaalam-alam na hahantong kami sa ganito. Kung ako po ang tatanungin, mas gusto ko po na nakilala ko siya ngayon. Yung oras na to kasi maayos na ang isip ko. Alam ko na kung paano ipaglaban yung mga bagay na dapat ipaglaban para sana... Naipaglaban ko si bren. Sana po masaya na kami, sana maayos na lahat"
Nakaramdam ako ng pagpatak ng tubig sa pisngi ko. Nakatingala lang ako habang padami ng padami ang tubig na dumadampi sa katawan ko.
"Ma, Pa. Umiiyak din ba kayo dahil nasasaktan ako ngayon? Wag kayo umiyak. Ipaubaya niyo na po 'to sakin" Patuloy ang pag agos ng luha ko kasabay ng ulan.
Basang basa na ko pati ang bag ko. Malamang basa na din ang mga laman nun.Biglang nawala ang pagpatak ng ulan at bigla akong napatingin sa isang payong sa taas ko.
"You should know your limitations, ferosa. Magagalit si bren kapag nakita niya ang hitsura mo ngayon" Napatingala ako sa naghahawak ng payong.
Tumayo ako at tumingin sa kaniya. Bakit nandito 'to?
"Paano mo nalamang nandito ko?"
"Your family's side is the best place to go when your Heart starts to ache, isn't it?" Sabi niya. Then he smiled. Hindi man kapani-paniwala. Ngumiti si Stefen, na parang inosente. Gusto ko sanang batiin yung pagngiti niya pero wala ako sa mood.
"Let's go?" He asked.
"Saan tayo pupunta?"
"Your house. Change your clothes. We have to talk"
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)