EPILOGUE

897 21 1
                                    

"Good Morning." Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si bren na nasa itaas ko. Nakatukod ang dalawa n'yang kamay sa magkabila kong gilid.


"Good Morning." I said with a bright smile. Sino ba naman ang hindi magiging bright ang umaga kung ganito ka-gwapo ang makikita mo at urgh, he's top naked!


"Gutom ka na?" Umiling ako. Bigla siyang sumimangot.


"Bakit?"


"Akala ko gutom ka na. Pwede pa naman ako ngayon." Ngumisi siya at pinitik ko naman ang noo niya.


"Ang aga mo, bren a'" Tumawa siya at humiga sa tabi ko.


Hinawakan niya ang left hand ko at tiningnan ang singsing na nando'n.


"Dati pangarap ko lang 'to, ngayon totoo na." Ngumiti ako at umiwas ng tingin. Ayokong ipa-kita kay bren na kinikilig ako sa tuwing bumabanat siya dahil, alam mo na—masyado s'yang confident sa sarili n'ya.


"Kinikilig ka na naman."


"'Di a'." Tumayo si bren at hinila din ako para makatayo.


"Breakfast is ready. Tumayo ka na d'yan. Pag hindi ka tumayo, sige ka. Ikaw kakainin ko."


Dali-dali akong tumayo at nagpunta sa CR.


"Mauna ka na. Susunod na lang ako." Hindi gumalaw si bren at tumayo lang siya sa pintuan ng banyo.


"I'll wait for you."


Pagkatapos kong mag toothbrush ay bumaba na kami sa kusina.


"Just sit there."


Umupo ako at tumingin sa kaniya. Hinahalo niya 'yong sinangag na sobrang bango.


Grabe, Bakit ba ang gwapo ng asawa ko kahit nakatalikod?


"Here." He placed the plate with fried rice and omelet.


"Ikaw, hindi ka kakain?" Umiling siya.


"Tikman mo muna luto ko."


Hinawakan ko ang tinidor at tinikman ang omelet niya.


"How's the taste?"


"Okay lang."


"Okay lang? Means napilitan ka lang?" Natawa ako nang marinig ang sinabi niya.


"Masarap naman." I smiled pero nakasimangot pa din siya.


"Ayaw mo na ba sa luto ko?" He said while pouting his lips. Aww, cute.


"Nagda-drama ka na naman." Sinubuan ko siya ng omelet at ngumiti naman siya.


"Gusto mo ng hotdog?" He asked. Napatingin naman ako sa kaniya at bigla akong natawa. "Anong nakakatawa?" Taka n'yang tanong.


"Nothing. I'm okay with this omelet, Bren. Sobrang sarap nga e'" Nagsimula na 'kong kumain.


Maya-maya ay naramdaman ko na lang na may yumakap mula sa likod ko.



Hinawi niya ang buhok ko at do'n ko naramdaman ang paghinga niya na tumatama sa leeg ko.


"I Love You." Napangiti ako habang ngumunguya.


Naramdaman kong dumampi ang mga labi n'ya sa kaliwang parte ng leeg ko.


"Bren." Tumawa s'ya ng mahina at sumagot.


"What?"


"Kumakain pa 'ko." Tumawa ulit siya. Hinila niya ang upuan sa tabi ko at umupo do'n.


"Okay. We'll continue later." I bit my lower lip.



Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang plato na ginamit ko. Si bren naman ay naghahalungkat sa ref.


"Kailangan na natin bumili ng veggies. Paubos na." Tumango ako at nilagay ang plato sa tamang lalagyanan.


"I'll take a bath before we go for shopping." Naglakad na 'ko palabas ng kusina pero biglang hinila ni Bren ang braso ko.


"Bukas na tayo mamili."


Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko. Ibinaba niya ang kanang kamay niya papunta sa tagiliran ko upang alalayan ako. My hands are now curled on his neck.


Bigla n'ya kong binuhat pero hindi pa din naiiba ang pwesto namin. Our lips are still locked with each other.


I felt the soft body of the sofa on my back. Napahinto s'ya at tiningnan muna ako bago ulit lumapat ang labi niya sa akin.


He's the one who deserves everything in me and i also deserve everything in him. Kahit na anong mangyari, Kaniya lang ako at walang makakapagbago no'n.


He kissed the tip point of my shoulder before he put my shirt off. He touched every curves of my body and his love is now burning my whole system. I bit my lower lip as he kissed the base of my neck. I touched his hair with my right hand and the left is still on his back. I let him do whatever he wants to do with me. Asawa ko s'ya, Kan'ya lang ako at akin lang s'ya. His lips went back on my lips, his left hand's on my thigh and his right hand is on the left side of my neck.


"I Love You." He said then he continue.


*Ding Dong*


Bren stopped then looked at me. Nagkibit balikat ako at tumawa.


*Ding dong*


"Baka sa kapitbahay lang?" Tanong niya.


"Bren, Jim?" Napapikit si Bren nang marinig ang boses ng taong nagsalita mula sa labas.


"Wrong timing naman sila daddy." Nagkakamot ng ulo na sabi ni Bren.


Tumayo kaming dalawa habang nagpipigil ng tawa. Ako lang pala, nakasimangot kasi si Bren.


"Bakit?" Tanong ko sa kan'ya habang nagpipigil ng tawa. Umiling naman siya at lumabas ng bahay para papasukin ang bisita namin.


"Good Morning. Tita, Tito." Nagmano ako sa dalawang pumasok.


"Call us Mommy and Daddy, Jim. Ang tagal ko nang sinabi sa'yo yan." Sabi ni Tita— err Mommy habang nakangiti.


Umupo sila sofa, kasama si Bren. Ako naman ay pumunta sa kusina para ipagtimpla sila ng juice. Pagbukas ko ng jar na lalagyanan ng powdered juice ay bigla akong nakaramdam ng hilo.


Naibagsag ko ang hawak kong pitsel kaya nabasag 'yon.


"Jim!"


Naramdaman ko na para bang naduduwal ako kaya nagtatakbo ako papunta sa banyo.


"Anong nangyayari? Are you okay?" Tanong ni Bren na hinihimas na ngayon ang likod ko.


Matapos kong dumuwal ng dumuwal sa harap ng lababo ay naghilamos ako at tumingin kay Bren.


"Okay ka lang?" Tumango ako at ngumiti. Ano bang nangyari? Bakit noong naamoy ko yung orange juice bigla na lang akong nahilo?


Lumabas kami ni Bren ng banyo habang naka-alalay s'ya sa 'kin. Nakita namin ang mommy at daddy n'ya na nakatayo sa harap namin habang naka ngiti.


"Mukhang mada-dagdagan na tayo." Sabi ng daddy ni Bren.


Nagkatinginan kaming dalawa sabay tingin sa t'yan ko.


Namuo ang ngiti sa labi ni Bren at nag angat ng tingin.


"Totoo?"


Humigpit ang hawak n'ya sa mga kamay ko.


"Tatay na ko!"

-Fin-

Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon