Play?! Ako?! Bida?!
"Ms. Sarrosa, ayoko po! Iba na lang po! Di ko naman po kaya 'yun e, Iba na lang po."
"Sabi ko ikaw, mahirap bang intindihin yon Ferosa? Babagsak ka ulit sa 'kin this grading at pag hindi ka pumayag, hindi ka makaka-graduate." Sabi ni Ms. Sarrosa at nagpatuloy sa pagsusulat.
Badtrip naman to! Lumabas na ko ng faculty at naglakad pabalik sa room.
Seryoso? Bida ako? Ako pa talaga? Ugh! Ayoko!
Madaming lumapit sa 'kin para magtanong ng mga walang kwenta. 'Nakita ko kayo magkasama nung sunday. Kayo ba ni Bren?' 'Nagkagusto siya sayo?' 'Ilang months na kayo?' 'Buntis ka na siguro?'
LangWents diba? Tss. Sinimangutan ko lang sila at inirapan. Ano akala nila? Psh!
Madami na kasing kumakalat na chismis tungkol sa 'kin at kay Bren at ito namang si Bren, nakaramdam ata kaya ilang araw nang hindi lumalapit sa 'kin. Hindi ako kinakausap o kahit text man lang. Huling pag uusap namin ay nung linggo pa, yung araw na niyakap niya ko. Thursday na ngayon, at sa pagkaka-alam ko ay bukas na ang tapos ng one week namin.
"Jim!" Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Jewell na nagtatatakbo palapit sa 'kin.
Nang makalapit na siya ay may inabot siyang mga papel sakin. Grabe yung hitsura ni Jewell, parang ginahasa.
"Ayan na daw yung script." Sabi niya at inayos-ayos yung buhok.
Tinupi ko yung script at nilagay sa bag ko. Ayoko talaga um-acting eh pero pag tumanggi ako di ako makaka graduate.
"Mahaba-haba yung story pero two months pa naman bago 'yan. Kaya matagal pa. Goodluck na lang sayo! Kaya mo yan!" Ginulo niya yung buhok ko at pinalo ko naman yung kamay niya.
"Hilig mo talaga manakit." Tunawa siya at tumigil din agad. "Pag ako ang napiling ka-partner mo..." Naging seryoso ang mukha niya.
"Ano?" Sabi ko.
"Wala, tara na pasok na tayo. Malapit nang matapos ang lunch." Umakyat na kami sa fourth floor, nang makarating na kami ay naunang pumasok si Jewell dahil katabi lang naman ng room nila ang hagdan.
Nakita ko si Bren na nakatingin sa 'min. Nakatambay kasi siya sa labas ng room nila.
Naglakad na ko at nilagpasan siya pero...
"Jim." Lumingon ako.
"Uwian, kita tayo sa parking." Sabi niya at pumasok na sa room nila. Narinig ko na naman ang mga bulungan. Oo na! Alam kong hindi ako kagandahan sa pangin niyo, mas pangit naman kayo sa 'kin!
Pumasok na ko sa room ko at syempre ako pa din ang topic pero hindi na tungkol kay Bren.
"Uy bida ka daw sa play sa October? Naks jim! Level up!" Nakipag apir si joy sa 'kin at inakbayan pa ko.
"Kelan pa tayo naging close?" Sabi ko at tinulak siya ng mahina. Tumawa lang siya at inalis na yung kamay niyang naka akbay. May kinuha siya sa bag niya at inabot sakin. Bond paper na nakatupi sa gitna.
"May nag iwan kanina diyan sa table mo. Di ko nakita kung sino e, wala kasing tao kanina dito sa room." kinuha ko yung papel at binuksan.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)