CHAPTER 21: Live For You

756 21 0
                                    

Naglalakad kami ni bren pabalik sa camp at hindi ko mapigilan ang pagngiti sa bawat hakbang ko.



Walang nagsasalita saming dalawa. Dala niya ang basket at ang blanket na ginamit namin kanina. Medyo madilim na din pero kita pa naman ang daan.



"Aalis na tayo bukas.." Sabi ni bren na nakangiting nakatingin sa daan.



"Buti naman. Wala na kong damit eh" Tumawa ako ng mahina.



"I'll provide.." Sabi ni bren na hinawakan ang buhok ko at ginulo.



"Baliw. Wag na. May damit pa ko, joke lang yun" Binelatan ko siya at hindi na siya nagsalita.



Hindi ko naisip na mangyayari sakin to. Kasabay kong maglakad ang taong gusto ko galing sa date. Date namin. Hindi maipaliwanag na pakiramdam.



Nang makabalik na kami ay una kong nakita ang bonfire na gagawin mamayang gabi. Sunod kong nakita ang mga estudyanteng nakatingin samin at huli si Mr. Maricio na papalapit kay bren.



"Vellana. Saan ka galing?" Sabi ni Mr. Maricio na hawak ang isang envelope.



"Your dad wants you to see this.." Inabot ni Mr. Maricio ang papel kay bren.



Umalis si Mr. Maricio sa harap namin at naglakad palayo. Samantalang si bren ay nakatingin sa papel na galing sa loob ng envelope. Hindi ko makita kung ano yun. Ayoko din namang makialam. Galing yun sa tatay niya, Anong karapatan kong malaman yun diba?



Tinago niya ang papel sa envelope at binulsa. Medyo nakita ko na parang na badtrip siya. Ano kayang nakasulat?



"Let's go?" Sabi niya sakin at ngumiti. Tumango na lang ako at pakiramdam ko may tinatago si bren.



"Jia Maico! Saan ka galing?" Nakita ko si joy na nagtatakbo palapit samin. Nakita ko ang isang lalaking kasama niya, Ang lalaking hindi ko akalaing siya pala yung matagal ko ng hinahanap ang pagkatao. Hindi ko alam na siya pala si Ry na nagpapagulo sa buhay ko.



"Sa pampang lang.." Nakatingin pa din ako sa lalaking yun. Hindi ko alam kung anong emosyon ang ipapakita ko sa kaniya. Ang dami kong tanong..



"Bren!" Napatingin kami kay merilyn na nakasimangot na palapit kay bren.



"Nasayo pala yung basket ko eh!" Kinuha yun ni merilyn sa kamay niya at nakita kong tumawa si bren.



"Tawag ka ni Mr. Maricio. Importante daw" Sabi ni merilyn at umalis na.



"Babalik ako. Saglit lang.." Nagtatakbo si bren dala ang blanket palayo sakin.



"Sweet naman nagpapa-alam pa. Parang mawawala ah?" Pinalo ko sa braso si joy at tumawa. Nahaging ang tingin ko sa lalaking kasama ni joy—ang totoong Ry. Ngumiti siya sakin at matagal bago ako sumagot sa ngiti niya. Bigla siyang pinalo ni joy at napahawak naman siya sa braso niyang pinalo ni joy.



"Ang tahimik mo namam jewell. Nakakapanibago" Tumawa si joy at tama ka ng narinig..



Si jewell.. Si Ry. Jewell Ry pala ang totoo niyang pangalan. Bakit nga ba hindi ko naisip?



"Ay wait lang. May kukunin lang ako sa tent.." Sabi ni joy at bago pa siya makalayo ay hinila ko ang damit niya.



"Sama ko.." Naglakad na kami at hindi ko na nalingon si jewell para magpaalam. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng pagkailang sa kaniya.



Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon