"Stefen" Bulong ni jewell.
"What are you doing?" Inalalayan akong tumayo ni stefen at hinubad ang jacket niya saka ipinatong sa katawan ko.
Sumakay kami sa kotse ni Stefen. Si jewell ay nakatingin lang kay stefen habang nagtataka. Stefen used to be a bad guy before, 'yon siguro ang pinagtataka ni jewell. Kung bakit ganito na siya ngayon.
"Ang sabi ko wala na kong magagawa" Sabi ni stefen nang makaayos na kami sa loob ng kotse niya. Ako naman ay nakatingin sa mga tuhod ko habang nakatahimik.
"Hey Ferosa look at me. I'm the one who's talking here not your knees" Nag angat ako ng tingin sa kaniya. Nagpupunas siya ng mga basang parte ng damit niya. He look so manly. Para siyang si bren na pina-matured ng ten times.
"Sabi ko. Wala na kong magagawa but it doesn't mean that you too can't do anything"
Stefen. Sobrang dami na niyang nagawa para maging maayos kami ni bren pero lahat yun parang nabura na lang. Siguro napapagod na din siya. Pero tulad ng sabi niya. Wala na siyang magagawa pero ako, meron pa.
Hindi na dapat ako umupo na lang at maghintay ng susunod na mangyayari. Hindi ko kayang iwan ako ni bren nang dahil lang sa kasinungalingan na hindi ko kailanman gagawin. Ngayon, ako naman. Hindi na ko aasa sa iba. Wala na kong dapat pang palagpasin ngayon. Papatunayan ko kay bren na hindi totoo ang sinabi sa kaniya ng daddy niya at hinding hindi ko hahayaang mawala siya.
Ang dami na naming pinagdaanan. Ang dami ng luhang nasayang at lahat ng effort ng ibang tao para samin ni bren. Bibigyan ko 'yon ng hustisya.
"Stefen"
"Hm?"
"Alam mo yung bus station malapit sa subdivition namin?"
"Ah yes, why?" Tumingin ako kay jewell tapos kay stefen.
"I need your help, stefen. Promise, Last na 'to"
--
"Okay ka na? San ka ba pupunta?" Tanong ni jek.
"Pahiram ako bente"
Napataas ang kilay ni jek at parang nagtatanong ng malaking 'WHAT?' ang expression niya.
"Wala akong pamasahe pang tri-bike" Napatawa si jek at kumuha ng 100 sa wallet niya.
"Saan ka ba kasi pupunta?" Inabot niya sakin yung 100 pesos.
"Sa bus station" Nagtatakbo na ko palabas saka sumakay ng tri-bike.
Medyo umaambon pa pero wala na kong pakialam. It's now or never. Mas mahalaga si bren kaysa sa ulan at mas mahal ang bigas kaysa sa patis. Korni ni Jim.
Nang makarating na ko sa Bus Station ay medyo madami pang tao pero wala pa din yung taong hinihintay ko.
Umupo ako sa upuan at tumingala. Lord, Ito na 'yon. Matatagumpay tayo.
Dumating ang isang Bus at nagsakayan ang karamihan sa mga kanina pa naghihintay. May nakita akong bata at naalala ko si Lio. Si Light, Kamusta na kaya siya? Ang tagal na din nung huli kaming nagkita. Hindi ko siya matext, nakay stefen yung phone ko. Kinuha niya noong nasa rest house kami ni bren kasi bawal daw ang phone.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)