He's just looking me straight on the eyes. Walang emosyon.
Napatingin siya sa hawak niyang papel at nilukot yon.
"Sht" Tinapon niya ang lukot na papel sa harapan ng pintuan ng kwarto niya at sinarado ang pintuan ng sobrang lakas.
Napayuko na lang ako at nakita ko din ang hawak kong papel. Naglakad ako para kunin ang papel na tinapon ni bren.
Pagkayuko ko ay biglang bumukas ulit ang pintuan sa tapat ko. Tumingin lang siya sakin at biglang ngumisi.
"What are you doing?"
"Pinupulot ko lang yu--"
"Tinapon na nga ng iba pupulutin mo pa?" Natigilan ako sa sinabi niya. Ano bang pinaparating niya?
Tumayo ako at iniwan ang papel na nilukot ni bren sa sahig.
Tumango ako at naglakad papunta sa hagdan para bumaba. Kakausapin ko sana si stefen pero wala ng tao sa sala. Isang sulat na lang na nakapatong sa lamesa ang nakita ko.
Kinuha ko yun at tiningnan ang nakasulat.
Madaming pagkain dyan, hijo at hija. May lutong pagkain na din. Pero kapag gusto niyo pa magluto ay maaari kayong magluto ng gusto niyo. Tawagin niyo na lamang kami sa kabilang bahay kapag may kailangan kayo.
Napahinga ako ng malalim at napakamot sa batok ko. Ang daming nangyari sa araw na 'to.
Lumabas ako ng bahay. Medyo madilim na din dahil pagabi na. Naglakad ako papunta sa katabing bahay ng rest house, nandito siguro sila manang.
"Tao po" Kumatok ako sa pinto at agad naman yun bumukas.
"Oh hija. Pasok" Sabi ni manang habang nakangiti. Pag pasok ko sa bahay ay nakita ko si manong na nagkakape habang nakaupo sa kahoy na upuan.
"Magandang gabi. Bakit ka naman naparito? May problema ba kayo?" Tanong ni manong na nakangiti din.
"Wala naman po. May gusto lang po akong itanong" Pinaupo ako ni manang sa isa pang upuan na kahoy sa tapat ng upuan ni manong. Teka, kanina pa ko manang ng manang. Ano bang pangalan nila?
"Ano ba ang tanong mo, hija?" Umupo na din sa manang sa tabi ni manong.
"Ah, teka. Gusto mo ba ng maiinom? Anong maiinom ba ang gusto mo?" Tanong ni manang. Umiling lang ako at ngumiti.
"'Wag na po, manang. Okay lang po ako"
"Lisa. Lisa ang pangalan ko at ito naman si estong" Ngumiti lang sakin si Manong estong sabay higop sa kape.
"Ano nga ba ang itatanong mo?"
"Gusto ko lang po itanong kung paano pumunta sa terminal"
Nagkatinginan silang dalawa at tumingin agad sakin.
"Pasensya na, hija. Binilin ni stefen na huwag sabuhin iyon sa inyong dalawa. At kung sabihin man namin sa'yo. Hindi mo yun mapupuntahan dahil sa layo"
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)