CHAPTER 33: Mysterious Gift

585 18 0
                                    

A: Sorry sa mga hindi mahanap yung chapter na to. . Kasalanan ko naman kasi :( Sorry. Ito na siya :)

--

"Hindi pa siya umuuwi. Busy pa yun eh"


"Ah ganun ba? Sige. Salamat"


Dahil mag-iisang linggo na kong hindi matahimik tinawagan ko na si jewell para klaruhin ang lahat. Gabi gabi kong nakikita si bren, sa panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero base sa sinabi ni jewell. Hindi pa umuuwi si bren. Sino yung nakita ko sa mall?


"Hey! What's up?" Napalingon ako sa babaeng humawak sa balikat ko.


Ngumiti ako sa kaniya.


"Where's jek?" Umupo siya sa sofa at hinawi hawi ang maganda niyang buhok.


"Tulog pa" Tumayo siya at lumapit sakin.


"Anyare?"


"Huh?"


"Laki ng eyebags mo oh. Mas malaki na sa mata mo" Napangiti ako sa sinabi ni mich. Sa isang taon na lumipas ay naging magaan na din ang loob namin sa isa't isa. Hindi nga lang ganun kabilis pero masaya ako dahil ganito na kami ngayon, Friends.


"I'm still beautiful" Sabi ko at bigla niyang pinalo ng mahina ang buhok ko.


"As you say so. Akyat na ko ah, gisingin ko lang batugan mong pinsan" Umakyat na siya sa taas.


Nagtimpla ako ng gatas at bumalik sa sala.


*Bzzt*


From: Light

Punta ka bukas!!!!! Hah!! Aantayin kita!!!!


To: Light

Oo! Langya! Parang mauubusan ng exclamation point!


Nag-ayos na ko para pumasok. May pasok ako ng 12 pm at susunduin ako ni erah 'gamit ang kotse niya' ng 11:30. Instant driver. Mayaman pero sawi naman sa lovelife. Kawawang erah.


Matapos kong magbihis at mag ayos ay bumaba na agad ako. Nakita ko si mich at si jek na nanunuod ng TV.


"Hindi kayo papasok?" Umiling sila pareho.


Pareho sila ng course, Architecture. Buti nga hindi nagkakasawaan yung dalawa na yan eh. Araw araw magkasama.


Maya maya ay dumating na si erah at pumasok na kami.


"Maics"


"Jim" Madiin kong sabi kay somina na kumakain ng piatos sa likod.


"Gusto ko maics eh" Binelatan niya ko at tumawa ng malakas. Kung sa palakasan ng tawa, Kaya niyang mag first place.


"Kamusta nga pala yung nakilala mong writer?"


"Ewan ko. Siya kaya kamustahin mo? Anong alam ko sa pang araw-araw na buhay niya?" Sagot ko.


"Taray ni maics!"


"Wag mo ko tawaging maics!" Tumawa lang siya ng malakas.


"Ganda nga eh"


Napatingin ako kay erah na kanina pa tahimik.


"Tahimik ka ata?" Tanong ko at ngumiti lang siya sakin. May problema ba?


Pagdating namin sa University ay dumiretso na kami sa unang klase namin.


"Kanina pa nga tahimik yan eh, weird" Bulong sakin ni somina nung nakababa na kami ng sasakyan.


Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon