CHAPTER 38: Why

571 14 1
                                    

"Paano mo naha-handle yung sitwasyon mo? I mean, Paano mo nagagawang positive yung sarili mo kahit ang dami mo ng pinagdadaanan?" Tanong ko kay Light. Naka-tambay kami ngayon sa labas ng hospital at kumakain ng Street Foods. Dahil wala kaming pasok, dito muna ko sa hospital.



"Hindi ko din alam eh. Minsan din naman humihina ako. Alam mo yun. Nakakapagod din pero natural lang yung mapagod. Kailangan lang ng pahinga, hindi ng pagsuko" Nakangiti niyang sagot. Ang sarap siguro maging tulad niya ano? Positive thinker.



"Buti napa-pagsabay mo yung buhay tatay at buhay writer?"



Lalong lumawak ang ngiti niya at pinagpatuloy ang pagtuhog sa fishball.



"Parang pareho lang kasi yun. Kailangan nila pareho ng kalinga. Sinimulan ko yung pagsusulat, kaya dapat kong gampanan. Sinimulan ko din ang pagiging tatay, kaya dapat kong panagutan"



"Hindi naman dapat ikaw yung managot.. pero tinanggap mo pa rin"



Natahimik siya.



"Kailangang tanggapin, eh. Hindi naman ako nag sisi dun"



Matapos naming kumain ay pumasok na ulit kami sa hospital. Natutulog si Lio at ang mama ni Light kaya umupo muna kami sa sofa.



Hindi naman ganun kayaman sila Light pero kaya nilang tugunan yung pangangailangan nila, Lalo na ang kay Lio. Nasa ibang bansa ang Papa ni Light at ito ang sumusuporta sa kanila. Nagpapadala ito ng pera pero hindi umuuwi. Hindi sinabi ni Light kung bakit at wala na kong karapatang pang-himasukan pa yun.



"Minsan nga naisip ko. Ang hirap palang tumayong tatay sa hindi mo naman tunay na anak" Sabi niya habang nakatingin kay Lio.



"Nagagampanan mo naman Light eh. Nabibigay mo yung pagmamahal na kailangan ni Lio"



Sa totoo lang, Saludo ako sa kaniya. Kinuha niya ang responsibilidad na hindi naman para sa kaniya. At hindi siya sumuko doon.



"Kaya kong ibigay yung pagmamahal na kailangan niya pero Hindi ko maibibigay yung dugong kailangan niya"



Natahimik ako. Kailangan ni Lio ng dugo at matagal ng naghahanap si Light Pati ako ng pwedeng mag donate.



"Makakahanap din tayo" Nakangiti kong Sabi.



"Salamat ah. Pati tuloy ikaw, Namom-roblema" Tumingin ako sa kaniya.



"Walang kaso dun. Hindi mo kailangang magpasalamat. Para 'to kay Lio"



4:00 Pm ay umalis na ako sa hospital. Uuwi pa kasi ako sa bahay para magpalit ng pamasok sa cake shop.



Pagkauwi ko ay may nakita akong kotse sa tapat ng bahay. Napatingin ako sa kotse at nagtaka ako dahil hindi ko kilala yung kotse.



Dumiretso ako sa gate pero napahinto ako sa pagbubukas ng may tumawag sakin.



"Jim" Lumingon ako at kinabahan ng makita si stefen.



Mixed emotions. Gusto kong magalit sa kaniya. Gusto ko siyang sigawan at tanungin kung bakit. Lahat ng bakit gusto kong tanungin sa kaniya. Pero natahimik ako. Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko.



"Anong ginagawa mo dito?" Diretso kong tanong.



"Hindi ako magtatagal. I just want to know who's this guy" May inabot siyang picture at nagulat ako ng makita ko si Light sa litrato, siguro mga ilang taon na din ang nakalipas sa picture dahil iba pa ang hitsura ni Light.



Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon