"Ang mahal naman ng ticket!" Nakasimangot na umupo si joy sa tabi ko.
"Dapat hindi ka na bumili" Sabi ko at binalik ang tingin sa sinusulat ko.
"Kung hindi lang required, Hindi talaga ko bibili. Galingan mo ah. Pag hindi mo ginalingan papabalik ko kay Sarrosa yung binayad ko sa ticket" Natawa ako at tumingin ulit sa kaniya.
"Kaya mo?"
"Oo naman. Takot sakin yun eh" Tumawa siya ng malakas kaya napatingin samin ang iba naming kaklase.
"May mas nakakatakot pa ba kay Ms. Sarrosa?" Sabi ko at nagpatuloy ako sa pagsusulat ng mga lectures na hindi ko nasulat dahil sa puspusang practice namin ng play na gaganapin na sa sabado at dahil Tuesday na, Kailangan ko na bumawi sa lahat ng subjects.
*Bzzt*
Naramdaman kong nagbivrate ang cellphone ko. Kinuha ko yun sa bulsa ko at tiningnan.
From: MyBrenVellana♥
Uy :) Lunch na tayo? (^u^) Already missed you (•_•) :( Sunduin na kita :>
To: MyBrenVellana♥
Kelan ka pa natutong mag emoticons? Di ako maglulunch dami ko tinatapos eh. Ikaw na lang :) Lunch ka na :)
MyBrenVellana♥ Siya ang nag save n'yan sa cellphone ko. Hindi ko akalaing may KiligBones din pala si bren
Nagbivrate ulit ang phone ko.
From: MyBrenVellana♥
Tulungan na kita :) Dalan na kita ng lunch.
Bago pa ko makapagreply ay biglang..
"Jim" Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa may pintuan ng classroom namin at pinapalibutan ng tingin ng mga kaklase ko.
"Bakit ka nandito?!" Napatingin ako kay joy na sumigaw. Bakit ba laging OA ang reaksyon niya at Bakit siya ang nagtanong nun?
Lumapit sakin si bren dala ang isang plastic.
"Kain ka na" Ngumiti siya at tumingin kay joy. Lumipat-ka-ng-upuan-at-uupo-ako-d'yan look. Parang naintindihan naman ni joy yun at tumayo, lumabas at nawala na sa paningin ko. Ang weird talaga nun.
Nilibot ko ang tingin sa mga kaklase ko at halos lahat sila ay nakatingin samin. Inalis ko ang tingin ko sa kanila at tumingin kay bren na nakaupo na sa tabi ko at nakangiti.
"Kumain ka na. Ako na magtutuloy nung sinusulat mo" Kinuha niya ang notebook ko sa lamesa at ang ballpen.
"Nag lunch ka na?" Tanong ko at umiling lang siya.
"Bakit hindi pa. Tara na sabay na tayo" Nginitian lang niya ko at nagpatuloy sa pagsulat.
"Mamaya na ko maglulunch"
"Hindi ako kakain kapag hindi ka kumain"
"Hindi din ako kakain kapag hindi ka kumain"
"Tara na kumain na tayo" Tumayo ako at tiningnan lang niya ko.
"Saan ka pupunta?"
"Mag lunch na tayo sa canteen" Sabi ko. Alam kong gumagawa na kami ng eksena ni bren dito sa classroom.
"Tatapusin ko pa to" Ngumiti siya at tinuro yung notebook ko.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)