Isa sa pinakamasayang bagay- ang unang beses na may humawak sa kamay mo at yung humawak nun ay yung taong gusto mo.
Gabi na pero hindi pa din ako pinapatahimik ng puso ko kahit wala si bren kasi kausap siya ng mga teachers. Hindi din ako pinapatahimik ng mga tanong nila.
"Kayo ba ni bren?" Tanong ni joy.
"Hindi.."
"Bakit kayo magkahawak ng kamay kung hindi?" Tanong ulit niya pero hinila siya ni jewell patayo at palayo sakin. Buti na lang. Thank you jewell.
Naiwan akong nakaupo sa labas ng tent namin ni joy at nakatingin sa mga bituin. Ang ganda. Napatingin ako sa paligid ko at madaming naiinis, naiinitan, nabo-bored dahil walang gadgets. Bakit kaya hindi na lang sila tumingala? Ang sarap nga sa lugar na 'to eh. Stress Free. Malayo sa problema at sobrang sarap ng simoy ng hangin. Sobrang sariwa.
Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko na nakaupo din si Ry. Napatingin din siya sakin. Ngumiti siya pero hindi ko siya nginitian. Iba yung pakiramdam ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit. Tumingala ulit ako.
Nakaramdam ako ng malapit na presensya sakin at nakita ko si Ry na medyo lumapit ng upo sakin.
"Hi jim.." Sabi niya at napatingin ako sa kaniya.
"Hi" Sabi ko.
"Naiilang ka ba sakin?" Diretso niyang tanong.
"Bakit mo naman nasabi?"
"Nararamdaman ko.." Sabi niya tapos siya naman yung tumingala.
Matagal walang nagsalita samin.
"Wag ka na mailang. Mabait naman ako.." Sabi niya at ngumiti. Defensive, eh?
Tumango lang ako. Dahil pranka naman siya. Magiging ganun na din ako..
"Bakit mo ko binibigyan ng flowers at letters?" Napalitan ang nakangiti niyang mukha ng nagtatakang ekspresyon.
"Huh?"
"Ry!" Sigaw ni jewell mula sa likod at tumayo naman si Ry papunta kay jewell.
Anong klaseng sagot ang 'Huh?' Imposibleng hindi niya alam. Siya ang nagbigay nun diba?
"Ganda ng stars diba?" Hindi ako lumingon dahil alam ko kung kaninong boses na yun.
Umupo siya sa tabi ko.
"Snob?" Sabi niya tapos ngumiti ako sa kaniya.
"Ang sarap dito nuh? Stress Free" Huminga ako ng malalim at tumingala ulit.
"Oo nga eh. Open Forum tayo bukas" Sabi ni bren.
"Ahh. Paano yun? Di naman lahat tayo magkakakilala" Sabi ko.
"Pipili ka lang naman ng sasabihan mo"
"Ahh.." Sabi ko at umayos ng upo.
"Kinakabahan nga ako eh.." Sabi niya.
"Bakit naman?" Tumingin ako sa kaniya na nakatingala.
"Hindi pa ko handa.." Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"Hindi ka pa handa saan?"
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Genç KurguMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)