I rolled the bottle as I start the game. The bottle's head point from where erah's sitting.
"Ayos mo tanong mo!" She said with a wide smirk.
"Anong gagawin mo kapag inaya k--" Hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil bigla siyang sumingit.
"Baby agad?! Wala bang--" Fortunately, Somina covered her mouth.
"Hindi pa nga tapos magtanong si jim eh" Inalis niya ang kamay ni somina sa bibig niya at umirap. Nagtawanan ang iba naming kasama.
"Anong gagawin mo kapag inaya ka ni jericho na maki-pagdate?" Nagsigawan ang lahat. Napayuko si jericho dahil sa kahihiyan. Well, Sanay na siya sa kahihiyang dala ni erah. Mahiyain si jericho samantalang si erah ay straight to the point, Sobra.
"Edi papayag! Ano fafa jericho? Aayain mo na ba ko?" Everyone stopped from shouting. All eyes locked on jericho. Nakaka-awang love story ang binuo ni erah. Patay na patay siya kay jericho at wala namang pake-alam si jericho doon. Sad story.
Lahat ay nagulat nang tumayo si jericho.
"CR lang ako" Natulala kaming lahat sa inasal ni jericho.
Biglang pinalo ni somina ang braso ni erah na mukhang nasaktan.
"Awts teh! Mas attractive pa sayo ang banyo!" Nagtawanan ang lahat pati si erah ay nakitawa na din
"Nahihiya lang yun"
Nagpatuloy ang laro at si erah naman ang nagpapaikot. Unfortunately, Sakin tumapat.
"Na-broken hearted ka na?" Parang nanlamig ang kamay ko sa sinabi niya.
"It's been a year" Ngumiti ako. May ilang kalalakihan din kaming kasama. Mga magkaka-course kami at sunday ang free time kaya nag aya si erah na tumambay sa bahay nila. Bahay niya actually. Mayaman eh.
"Edi naka-move on ka na?" Parang binato ako ng isang galong tubig sa dibdib ng marinig ko yun.
Ano bang sagot? Naka-move on? Ang move on ay yung masasanay kang nakikita mo yung someone from your past tapos wala ka ng nararamdaman. Hindi ka na affected. Paano ako makaka-move on kung hindi ko napag-aralang masanay sa presensya niya nang hindi naaapektuhan? Malayo siya. Paano ko matututunan? Kahit na isang taon ang nakalipas wala pa din, natatakot pa din ako na kapag bumalik siya at makita niya ko at makita ko siya. Bumalik lahat. Hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang Time Heals. Dahil hindi oras ang maya hawak ng nararamdaman mo, Ikaw mismo. Nakaka-bobo lang. Kung subject lang siguro ang move-on, Singko grade ko dun.
"Hindi ko alam" Straight kong sagot. I hate questions about him. It kills me, physically and emotionally. Kung pwede nga lang na makalimutan ko siya ng isang iglap lang. Pero hindi, Mahirap siyang kalimutan.
Nagpatuloy ang laro at madami pang tanong na dumaan. Luckily, it's not about him anymore. Napansin ata nilang ayokong pag usapan.
Matapos ang laro ay nagpaalam na ko para umalis.
"Di ka na sasabay samin?"
"May pupuntahan pa ko eh" Lumabas na ko ng bahay at nag tricycle na lang ako. Malapit lang naman to sa pupuntahan ko at para hindi na din hassle. May ipon naman ako. Alam mo kung bakit? May trabaho na ko! Sa cake shop ng tita ko malapit sa school namin dati nung high school. Ayaw pa ngang pumayag ni tita pero nagpumilit ako. Mas maganda na pinagta-trabahuhan ko ang binibigay na baon at tuition fee ng tita ko sakin. College na ko kaya malaki ang gastos, lalo na at gusto ko maging isang magiting na chef.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)