CHAPTER 35: His

534 16 0
                                    

Ayokong umuwi. Ayokong mapag-isa. Kaya sumama ako kay light at kung saan saan niya naman ako dinala.


"Isaw?" Tanong niya at tinuro yung isawan. Ngumiti ako sa kaniya at kumain kami ng isaw. Pinagtitinginan ng ilan si light dahil sa kakaiba niyang buhok. At ang loko, tuwang tuwa naman.


"Grabe, Ganun na ba talaga ako ka-gwapo para pag usapan nila?" Sabi niya habang naglalakad-lakad kami. Tumingin ako sa relo ko. 3:34 PM.


"Okay ka na ba?" Tanong niya sakin ng seryoso.


Tumango ako at ngumiti. Ang laki ng pasalamat ko dahil nandito si light. Napa-gaan niya ang loob ko. Parang isang malaking tinik ang nawala sa puso ko dahil sa tulong niya.


Bigla akong napatingin sa cellphone niya na tumunog.


"Hello?.. H-ha?!.. Sige pupunta na ko d'yan" Pagbaba niya sa cellphone ay bigla siyang napatingin sakin.


"M-may pupuntahan lang ako. Emergency" Sabi niya.


"Samahan na kita. Okay lang ba?"


"S-sigurado ka?" Sabi niya na parang nag aalangan pa. Tumango ako at umalis na kami. Sumakay kami ng taxi at sa loob ng biyahe ay puno lang kami ng katahimikan. Nakakaramdam ako ng kaba sa bawat reaksyon ni light.


"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya pero tumango lang siya ng walang emosyon at hindi nakatingin sakin. Hindi siya okay.


Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na kami at lalo akong kinabahan ng makita ang pintuan ng hospital sa harap ko. Hindi ako nagtanong kay light dahil iba na ang emosyon niya.


Inaya niya ko papasok sa loob at sa sobrang pagmamadali niya ay madami siyang nabubunggo. Sumakay kami sa elevator at nagtungo sa pangalawang palapag. Nang makalabas na kami sa elevator ay wala pa ding kibo si light. Nang makarating kami sa tapat ng isang pintuan ay biglang may lumapit saming babae. Nasa 40+ na ang babae at siguro mama siya ni light dahil magkamukha sila.


"Anong nangyari?" Tanong ni light sa babae. Napatingin ito sakin pero bumalik ulit kay light.


"Hinimatay siya bigla. Okay na siya ngayon pero.."


Napasinghap ng hangin si light at napakuyom ng kamao.


"Pero lalong lumala" Pagpapatuloy ng babae.


"Gising na ba siya?" Tumango ang babae at tumingin sakin si light.


Binukas ni light ang pinto ng kwarto at inaya ako sa loob.


Pagpasok namin ay nakita ko ang isang batang lalake na nakahiga sa kama. Bigla siyang tumingin samin at ngumiti.


"Papa!" Sabi nito sa sobrang siglang boses.


Papa. May anak na si light?


"Lio" Lumapit si light sa bata at niyakap. Naiwan akong nakatayo at nakatingin sa kanila.


"Sino siya papa?" Tinuro ako nung bata at napatingin naman si light sakin. Ngumiti ito at napangiti din ako.


"Siya po ba si mama?" Nagulat ako sa sinabi nung bata at biglang napangiti si light at umiling.


Hindi kilala ng bata yung mama niya. Ibig sabihin, Single Father si light.


"Siya si Tita Jim" Sabi ni light at hinimas sa ulo yung bata.


Nginitian ako nung bata at nginitian ko din ito.


Lumapit ako sa kanila at nang makalapit na ko ay biglang hinawakan ng bata ang kamay ko.


Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon