Habang naglalakad palapit kay Mr. Maricio ay nakakarinig ako ng mga bulungan. Pinaguusapan na naman nila ako-pinaguusapan na naman nila kami.
Wala silang alam samin ni bren. Pero paano ko nga ba babawiin yung sinabi ni Mr. Maricio na nadinig ng lahat? He's not my boyfriend. Ano nga ba ang pakialam ng iba sa saloobin ko? Mas mabilis kumalat ang chismis kesa sa totoo.
"O-okay na po ba si bren?" Tanong ko kay Mr. Maricio at pumasok na kami ng tent. Malaki ang loob ng tent kaya madami din ang tao, puro teachers ako lang ang estudyante.
"He's okay. Hinahanap ka kasi niya kaya tinawag kita" Nakangiti sakin si Mr. Maricio at Hinahanap niya ko? Bakit?
Nakita ko si bren na nakaupo sa foam at umiinom ng tubig. Lumapit ako sa kaniya at nanginginig ang tuhod ko habang palapit.. Nakita ko ang sugat sa gilid ng mukha niya.
Nang makita niya ko ay bigla siyang ngumiti. Okay na siya.. buti naman.
"Jim.." Umupo din ako sa foam pero medyo malayo sa kaniya. Nagusap-usap ang mga teachers tungkol sa second activity kung itutuloy pa ba o hindi.
"Okay ka na?"
"Not yet"
"Ano bang nangyari?"
"Bigla na lang nagdilim ang paningin ko.. Hindi ko din alam" Tinaas niya yung kamay niya tapos tinuro yung maliit na sugat.
"Tingnan mo oh. May sugat ako.." Ngumuso siya at medyo napangiti ako dahil mukha siyang bata.
"Bakit ka tumatawa? Gamutin mo naman oh.." Ngumuso siya habang nakaturo pa din sa sugat sa mukha niya.
"Bren.. Uhm.. Jim. Maiwan muna kayo dito. Gagawin namin ang second activity, Okay lang na hindi muna kayo sumali. Jim, ikaw na bahala kay bren.." Ngumiti sakin si Mr. Maricio.
Lumabas ang mga teachers at naiwan kami ni bren.
"Gamutin mo na ko.." Tinuro niya yung first aid kit sa lamesa.
"Bakit?" Tumawa ako at sumimangot naman siya. Ang cute.
"Gusto ko kasi ikaw lang hahawak sa mukha ko eh.." Bigla akong nanlamig sa sinabi niya.
"Kaya mo ko pinatawag? Para lang utusan mo?" Tumawa ako para mawala ang awkwardness sa pagitan namin. Tumayo ako para kunin ang first aid kit.
"Hindi.. Pinatawag kita kasi kailangan kita" Gusto kong takpan ang tenga ko dahil nahihirapan na ang puso ko. Ano ba bren..
"Kailangan mo ng nurse?" Nakangiti akong bumalik papunta sa kaniya para kunwari wala lang sakin lahat.. kunwari.
Hindi siya nagsalita. Kumuha ako ng bulak at betadine. Pinahid ko yun sa sugat niya sa mukha at nararamdaman ko ang mga tingin niya kahit hindi ako nakatingin sa kaniya. Lalong sumisikip ang dibdib ko.
"Hindi ka naman nurse.." Sabi niya ng mahina pero sapat para madinig ko. Hindi ako sumagot o nagbigay ng kahit anong emosyon. Nahihirapan na kong huminga dahil sa lapit naming dalawa.
"Pinatawag kita kasi kailangan ko ng kasama.." Patuloy lang ako sa pagpahid at nagkukunwaring hindi siya naririnig.
"Ikaw lang kasi ang gusto kong makasama.." Bigla kong nabitawan yung hawak kong bulak at napatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Novela JuvenilMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)