CHAPTER 30: Mandalene's Tears

531 15 2
                                    

"Where's morice? Ugh! Napapa-English ako sa sakit ng ulo sa inyong dalawa!" Sigaw ni Ms. Sarrosa sakin.



"Hindi na nga kayo umattend ng practice nung thursday at kahapon! Tapos ano? Hindi dadating si bren?! Ay! Sakit niyo sa ulo!"



"30 minutes na lang start na ng play! Bakit wala pa si bren?!" Lumabas si Ms. Sarrosa at binagsak ang pintuan.



Nakatulala lang akong nakatingin sa salamin-Sa sarili kong naka-make up at naka ayos ang buhok.



"Ang ganda mo" Sabi ni Lyn habang inaayos ang buhok ko.



Ngumiti lang ako sa kaniya at tiningnan ang cellphone ko. Not the same cellphone as before. It has no text from him, No good mornings and I love you. Naging malungkot ang inbox ko-pati ako.



Hindi ko pa siya nakikita simula nung araw na yun. Hindi siya pumasok kahapon Kaya hindi sigurado kung pupunta siya ngayon.



Hindi ko din alam kung anong reaksyon ang una kong gagawin pag nakita ko siya.



Matapos akong ayusan ni Lyn ay lumabas siya ng kwarto.



Nasa Gymnasium kami ngayon at nasa isa sa mga kwarto ako sa backstage.



Ang hirap huminga dahil sa kaba. Kaba na dulot ng maraming taong manunuod samin ngayon. Unang beses kong aarte sa harap ng maraming tao.



"Mabuti naman dumating ka na! 20 minutes before the play! Hayy!" Pumasok si Ms. Sarrosa sa loob ng kwarto.



Parang tumigil ang pag daloy ng dugo sa katawan ko ng makita ko ang kasama niya.



Our eyes met. Every seconds of staring each other's eyes is killing me.. slowly.



Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at tumingin sa salamin-sa mga mata ko.



Nasasaktan ako pero kailangan kong itago. Ginawa ko to, Ginusto ko to kaya kakayanin ko.



Naramdaman ko ang malapit niyang presensya kaya yumuko ako. Umupo siya sa upuang nasa tabi ko, may malayong pagitan naman samin.



Inayusan na ni Lyn si Bren at ako ay nanatili pa ding nakayuko. Kinuha ko ang cellphone ko at pinilit halungkatin yun.



"Bakit di kayo nag uusap?" Nanatili akong nakayuko at nagkunwaring hindi ko narinig ang sinabi ni Lyn.



Mabuting balita na hindi na ulit siya nagtanong. Tumayo ako para lumabas ng kwarto pero hinarang ako ni Lyn.



"Saan ka pupunta?"



"Kukuha lang ng tubig"



"Bawal ka lumabas baka may makakita sayong audience. Ako na lang kukuha ng tubig" Lumabas na si Lyn.



Bumalik ako sa upuan ko at pinilit na huwag tingnan ang nag iisang kasama ko sa kwarto.



Narinig ko ang malalim na paghugot niya ng hininga. Pinilit kong ituon ang pansin ko sa cellphone ko.



Narinig kong may nilapag siya sa lamesang nasa harapan naming dalawa at hindi ko napigilang tumingin doon.



Unti-unting nadurog ang puso ko sa nakita.



Yung kwintas ko.



"Wag mo na tong ibalik sakin" Napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya yun. Ano bang gusto niya?



Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon