CHAPTER 20: Confession

684 25 4
                                    

Matapos ang Open forum ay nagbalikan ang ilang estudyante sa kani-kanilang mga tent para magpahinga. May Bonfire daw kasi kami mamaya at inaayos na yun ng ilang estudyante.



Pagbalik ko sa tent ay tiningnan ko agad ang relo sa loob ng bag ko. 5:02 PM.



5:30 PM ang sabi niya diba? 5:30 yung date namin. Date namin. Nakatingin ako sa maliit na salamin galing sa bag ko at hindi ko mapigilang hindi ngumiti.



Nag palit ako ng damit. Naka-shirt akong puti at shorts na hindi naman sobrang ikli. 2 inches above the knee.



Habang nagsusuklay ako ay biglang pumasok si joy. Nang makita niya ko ay ngumiti siya.



"May nagpapabigay.." Inabot sakin ni joy ang isang papel.



Nang buksan ko yun ay lalo lang gumulo ang mga tanong sa isip ko.



Gusto mo kong makilala? Magkita tayo sa batis. 5:30 PM
-Ry



Ry. Ano ba talagang plano mo at pumapasok ka pa sa buhay ko? Sino ka ba?



Tumingin ako kay joy na umiiwas ng tingin sakin.



"Joy.. Alam kong kilala mo si Ry. Sino ba talaga siya?" Sabi ko ng seryoso pero tumawa si joy.



"Secret.." Nakangiti siyang lumabas ng tent at nakaramdam ako ng pagkainis. Akala ko ba kaibigan ko siya? Bakit niya tinatago sakin kung sino si Ry?



Paikot-ikot ako sa loob ng tent habang hawak ang papel na bigay ni Ry. 5:30 siya makikipagkita diba? 5:30 din ang date namin ni bren.



Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Si Ry ba para matahimik na ko? O Si Bren at ang date namin? Hindi ko alam.. nagugulugan ako.



Humawak ako sa noo ko at tumingin sa relo na nakasuot sa kaliwa kong pulsuhan.



5:22 PM na. Tumayo ako at sinuot ang tsinelas. Lumabas ako ng tent at nakita ko ang mga estudyante na inaayos ang malaking Bonfire para mamaya.



Huminga ako ng malalim bago maglakad papunta sa batis. Pupuntahan ko si Ry. Saglit lang naman eh tapos pupunta na ko sa dagat. Medyo malayo nga lang sa batis ang dagat.



Pumasok ako sa loob ng nagkukumpulang mga puno at tinahak ang daan papunta sa batis. Kinakabahn ako sa kung sino man si Ry.



Nang makalapit na ko sa batis ay sumilip muna ako sa paligid ng batis. Wala naman akong nakitang tao. Tumingin ako sa relo ko at 5:28 PM na.



Hindi muna ako pumasok sa batis dahil titingnan ko muna kung may tao ba talaga o wala. Baka pinag-titripan lang ako nung Ry at ni joy.



Maya maya ay nakarinig ako ng mga yapak mula sa likod ko. Nagtago ako sa likod ng isang puno habang kumakabog ng malakas ang dibdib. Palapit sila ng palapit at dahil malapit na sila ay naririnig ko na ang usapan nila.



"Aamin ka na ba talaga na ikaw yung taong nagbibigay ng flowers at letters sa kaniya? Paano pag nagalit siya sayo?" Boses ni joy! Malamang si Ry na ang kasama niya.



Matagal walang nagsalita pero nang magsalita ang kasama ni joy ay parang nabuo ang puzzle na matagal ko ng binubuo. Nakaramdam ako ng kaba at panghihina. Siya si Ry?



"Hindi ko alam.." Sabi ng kasama ni joy at para akong sinuntok ng sampung beses dahil papalapit na sila sakin. Makikita nila ako, malalaman nilang nandito ako at makikita ko ng harapan ang lalaking yun. Bakit siya? Anong intensyon niya?



Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon