Bren Vellana’s POV
I took a sip on my coffee.
Nakikipagtitigan ako ngayon sa isang ibon. Hindi ko alam kung bakit biglang nagpabili ng ibon si Jim pero hindi naman niya pinapansin yung ibon. Nakakalito talaga ang mga babae at mas lalo siyang naging weird nang mabuntis siya.
Minsan bigla biglang magpapabili ng burger tapos kapag nabili ko na, magagalit. Nasusuka daw siya sa amoy. ‘Di ba? Partida, pasado ala una ng madaling araw siya humingi non ng burger. Madalas din siyang nagpapakwento sa ‘kin bago matulog ng mga nakakatawa— minsan nakakatakot tapos kapag hindi makatulog, aawayin ako. Ganon ba talaga mga babaeng buntis? Ang hirap nila intindihin e’.
I took a sip on my coffee again.
Pero kahit na ganon. I will never get tired of her. Kahit na gabi gabi akong maghanap ng burger, kahit araw araw siya magpakwento, kahit lagi niya kong awayin at kahit lahat ng klase ng ibon ipabili niya sa ‘kin. Mataba pa din siya. Joke. Mahal ko pa din siya, syempre. Paglabas naman ng baby namin e bawi naman ako sa lahat ng pangaaway sa ‘kin ni Jim.
Ang nakakapagtaka nga lang. Simula noong mabili ko ‘tong ibon na ‘to, hindi na niya ko pinapansin. Sa tuwing yayakapin ko siya ay nagagalit siya.
Ughhh. Nakakalito talaga ang mga babae! Lalo na yung buntis!
Nakita kong pumasok siya sa kusina dala ang unan niya. She’s still wearing her pajamas. Dumiretso siya sa ref at naghalungkat.
"Good Morning, Beautiful."
Tiningnan niya ko pero bumalik ulit sa paghahalungkat sa ref. Aray, seen zoned.
"Anong hinahanap mo? Tulungan na kita." Bigla siyang tumayo at umiling.
"Pumasok ka na sa trabaho."
"Day off ko, Jim."
"Oh ano? Edi pumasok ka kahit day off mo!"
‘Di ba? Ang weird.
Since it’s my day off. Inaya kong mag mall si Jim. Noong una ay ayaw pa niyang pumayag pero napilit ko naman, tinakot ko kasi na lalabas si Mara. (Yung babaeng multo sa kwentong kinekwento ko sa kaniya.)
"Bakit ba kasi ganito? Nahihilo ako sa amoy ng kotse mo." Nakasimangot na naman siya.
"Bakit ka ba nakasimangot? Mas maganda ka kapag nakangiti "
Hindi siya sumagot at bulong na lang ng bulong. Minsan talaga natatakot na ko kay Jim e’. Pero syempre, mas madalas ko syang mahal. Naks.
Pagdating namin sa mall ay nag aya agad siyang kumain tapos naglakad lakad kami.
"Ayun!" Bigla siyang sumigaw at naglakad ng mabilis.
"Uy, Jim! Teka!" Dumiretso siya sa avon make up shop.
Nagtataka naman akong pumasok don. Bakit dito siya dumiretso? Hindi naman siya nagme-make up.
"Uy. Tara dito bilis." Tawag niya sa ‘kin. Ayos a. Parang tropa lang ang pag tawag.
"Bakit?" Nagpahid siya ng lipstick sa labi niya at humarap sa ‘kin tapos ay ngumiti.
Oh man! Totoo ba ‘to?! Ngumingiti na siya?!
"Bagay ba?" Hindi ako nakasagot at napatango na lang ako sabay akbay sa kaniya at woah! Hindi siya nagalit!
Kung alam ko lang na lipstick lang pala ang magpapangiti sa asawa ko. Edi sana binilihan ko na siya dati pa.
"Lipstick lang pala kailangan mo." Sabi ko habang naglalakad kami palabas ng mall.
At sht. Holding hands kami!
"Matagal ko nang sinabi sa ‘yo."
"Hindi mo naman sinabi. Kung sinabi mo e di sana binili na kita." Bigla siyang umirap at sumimangot.
"Sabi ko sa ‘yo nung thursday bilihan mo ko ng Avon na lipstick pero pagkauwi mo, ibon ang dala mo!"
Loading...
Loading...
"Avon ba ‘yon?!"
"Oo nga!"
"Akala ko ibon. Ikaw kasi lilinawin mo."
"Nilinaw ko, hindi ka kasi marunong makinig." Sabi niya at kinurot yung braso ko.
Nang makauwi na kami sa bahay ay bigla akong tinawagan ni daddy na dalhin ko ang maganda kong asawa sa bahay nila para doon mag dinner.
"We'll be there." Binaba ko ang cellphone at pinuntahan si Jim sa kwarto.
"Punta daw tayo kina daddy." Hinawakan ko ang balikat niya at pagkatapos ay humarap naman siya sa ‘kin.
Then she kissed me.
"Ibili mo muna ko ng Monay." Tumango ako at lumabas ng kwarto.
Lumabas ako ng bahay at naglakad lakad.
Teka, Saan naman ako bibili ng siomai dito?
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)