CHAPTER 12: RY

818 23 0
                                    

"Di ko alam gagawin ko" Sabi ko sabay dukdok sa lamesa ng canteen.



"Edi papuntahin mo siya" Sabi naman ni jewell na kumakain ng burger.



"Ewan ko.. si tita kasi eh" Hindi pwede na hindi ko sundin si tita. Baka magka World War III.



"Tita mo naman nagpapapunta eh"



"Papayag ba si bren?" Inangat ko ang ulo ko at tumingin kay jewell.



"Papayag yun"



"Okay.."



"Tingnan mo oh.." Tinuro ni jewell yung dalawang nilalang na magkahawak kamay na papasok ng canteen.



"Wala akong paki sa kanila.." Umirap ako sa kaniya.



"Akala ko ba yung IHACOYJMF ni bren ang papatunayan natin? Bakit parang yung iyo ata ang napapatunayan.." Tumawa siya at binatukan ko naman siya.



"Tumahimik ka pa.." Sabi ko.



"Yung totoo? May gusto ka ba kay bren?" Sabi niya at tinuro na namn si bren.



May gusto ba ko sa kaniya? Wala naman diba?



"Wala"



"Ows?"



"Oo nga"



"Hala! Nag kiss sila!" Hindi ko alam kung anong kuryente ang dumaloy sa buong pagkatao ko at napatingin ako kay bren at kay mich na magkaholding hands at hindi naman nag ki-kiss.



"Hindi naman eh?!" Napasigaw ako at sa lakas ay nagtinginan ang mga tao sa paligid.



"Bakit ka tumingin kung wala ka talagang paki alam?" Tumawa si jewell ng mahina. Nakakinis!



Hindi ako nagseselos! Walang dapat ika-selos! Hindi sila ka-selos selos!



"Alam mo bang hindi ako kinakausap ni bren? Effective!" Nakipag apir si jewell sakin pero hindi ko siya pinansin. Naiwang nakataas yung kamay niya. Pahiya. Hahaha.



"Ay? Di namamansin?" Inalis na niya yung kamay niya at nag pangalumbaba.



"Ako naman." Ngumiti ako sa kaniya at tumayo.



Lumapit ako kay mich at kay bren na nakatayo at namimili ng pagkain.



"Bren!" Lumingon siya sakin.



"Kakausapin kita" Hinila ko siya at napabitaw kay mich na parang nagulat.



Tumingin ako sa pwesto ni jewell na nagulat yung mukha pero ngumiti din siya.



Hinila ko si bren at halos lahat ng mata ay nakatingin. May ilang bulngan at pwede ba? Wala akong paki alam sa bulungan nila.



Hindi naman umaangal si bren. Naglalakad lang siya.



Dinala ko siya sa garden.



"Bakit?" Sabi niya at umupo sa bench.



"Pumunta ka sa bahay mamaya" Napatingin siya sakin.



"Bakit?"



"Basta" Naglakad na ko pero hinawakan niya ko sa braso



"Pupunta ko, sa isang kondisyon.." sabi niya.



"Bitawan mo ko.." Sabi ko at binitawan naman niya ko. Kinikilabutan ako sa hawak niya.



Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon