Nakaharap ako sa salamin habang nakatingin sa mga mata ko. Ano bang nangyayari? Ano bang dapat mangyari?
Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko ng tanong na mahirap sagutin..
May Crush na ba ako kay Bren?
Pumikit ako. Wala. Oo, Wala. Huminga ako ng malalim at tinapik tapik yung pisngi ko.
Nag tapis na ko ng twalya at lumabas sa banyo. Una kong nakita si jek na kumakain. Tumingin siya sakin ng mataman ang mga mata, parang namamaga? Ano bang nangyari kagabi? Saan ba siya nagpunta? Hindi pa din siya naka-uniform. Hindi ba siya papasok?
Gusto ko siyang kausapin at tanungin pero isang likod ang kumuha ng tingin ko. Napako ang tingin ko sa likod niyang naka uniform na habang kausap si tita at bigla akong kinabahan. Bakit nandito siya?
Nagtatakbo ako paakyat ng hagdan at muntik pa kong madulas.
Sumandal ako sa likod ng pinto ng kwarto ko at hinawakan ang nakakapaso kong pisngi. Okay lang ba ko?
Pagkagising ko kanina ay wala na si bren at nakatiklop na din yung higaan. Nag iwan pa nga siya ng note..
'Good Morning Princess :)'
Princess. Ano bang klaseng kuryente ang nagagawa ng isang tao? Wala naman diba? Pero bakit pag sinasabi ko yung princess, nakukuryente ako? Princess ako? Princess niya ko? Wala lang to. Diba?
Nakita ko din yung cellphone ko na nakapatong sa tabi ng note niya. Wala namang nangyari pero Pinalitan niya yung Bren 'Panget' Vellana ng Mandalene's Morice. Hindi ko alam pero kinikilig ako, alam kong si mandalene ang pinag uusapan pero ako si mandalene diba? At siya si morice?
Nagpatuloy na lang ako sa pag aayos at bumaba na. Lumapit sakin si tita habang naka ngiti.
"Sinusundo ka na ni morice, Bye"
Napatingin siya sa ulo ko at lalong ngumiti.
"Iba talaga pag inlove ano?" Ngumiti siya ng ngiting ngiti at tinulak pa ko palapit kay bren. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni bren kagabi.. Pinambayad ako ng sarili kong tita. Hindi ko pa nakakausap si tita tungkol dun pero sigurado naman akong wala siyang isasagot.. na matino.
"Tara na?" Tanong sakin ni bren at ngumiti.
Tumango lang ako bilang sagot. Napalingon ako sa kusina at wala na si jek. Baka naliligo na.
Sumakay na ko sa kotse niya at ganun din siya. Walang nagsasalita. Tahimik ako at tahimik siya. Ano bang nangyayari sa tibok ng puso ko? Normal pa ba to?
"Ready ka na sa camping?" Sabi ni bren habang nag di-drive at tumango lang ako. Hindi pa pala ako nakakapagpaalam kay tita.
"Pinagpaalam na kita sa tita mo.." Napatingin ako sa kaniya at parang nabasa niya yung iniisip ko. Galing.
"Ahh. Salamat. O-okay na ba kayo ng daddy mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi pa" Plain niyang sagot.
Tumango lang ako at wala na ulit nag salita. Ang Awkward.
"Ang ganda ng ipit mo. Nag iipit ka pala? Bagay sayo" Hindi ako tumingin sa kaniya dahil pinipigilan ko ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko. Nag init na naman ang pisngi ko at nakaramdam ako ng hiya. Bakit ba ko nag ipit?
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)