Gusto kong ibalik ang lahat ng sinabi ni stefen sa bibig niya.
Ano bang gusto niyang mangyari? Sirain ko ang maayos at hayaang magulo at tuluyang masira? Para saan? Para sa kaniya? Hindi ko gagawin yun.
"Kung ganito lang pala ang pupuntahan ng usapan natin. Sana hindi mo na lang ako pinapunta" Tumayo ako at naglakad palabas.
Naiinis, Nagagalit at Nasasaktan ako sa sinabi niya. Pinapalabas ba niyang mali ang relasyon namin ni bren at dapat ko siyang hiwalayan para pumunta siya ng ibang bansa at doon na tumira? Hihiwalayan ko siya dahil iyon ang tama? Ganun ba? Leche.
Naramdaman ko ang pagbivrate ng cellphone ko at nabuhayan naman ako ng loob ng makita ko siyang tumatawag.
MyCoffeeBean♥ calling...
"Bren" Bati ko sa kaniya pagkasagot.
"Dito na ko sa school. Saan ka?"
"Cheverloo Mall"
"Puntahan kita"
"Wag na. Uuwi na din ako, e"
"Susunduin kita. D'yan ka lang. Lapit na ko"
Pinatay na niya ang tawag.
Wala akong natanggap na tawag o message galing kay stefen. Sana nga wala na talaga.
Umupo ako sa bench sa tapat ng isang store at pagtingin ko sa store ay nakita ko ang iba't ibang libro, Bookstore. Napatingin ako sa isang poster na nakadikit sa bintana ng store.
Book-L-Café will open on December 20, 2015
Book-L-Café? Wow. Parang yung sa anime? Yung café na may libreng books para basahin. Wow. Wow talaga.
"Ferosa" Naramdaman ko ang paghawak sa balikat ko at nakita ko si bren.
"Tara na?" Naglakad na kami papunta sa parking. Hindi na kami naglibot sa mall dahil pwera sa gasgas na ang mga date sa mall ay pagod ang hitsura ni bren kaya dapat muna siyang magpahinga.
"How's your day?" Pinaandar na niya ang kotse at umalis na kami sa tapat ng mall.
"Okay lang. Medyo nakakapagod lang. Ikaw?"
"Ayun. Pagod din sa paglibot sa elementary school para magpasaya ng mga bata pero worth it naman" Ngumiti siya at nagkwento tungkol sa adventure nila ng ilang teachers sa mundo ng elementary school.
Hindi ko maintindihan ang kinikwento niya kaya tango lang ako ng tango. Naka sentro ang utak ko ngayon sa mga sinabi ni stefen na hindi maalis sa isip ko. Ginugulo ako nun at parang hindi ako titigilan hanggang hindi ako gumagawa ng desisyon. Desisyong dapat pag isipan ng mabuti.
"Bakit ka nga pala nasa mall?" Mula sa pagkatulala ay napatingin ako kay bren na nakatingin sa daan.
"May binili lang" Tumango siya at bumalik ang tingin ko sa bintana.
"May problema ka ba? Bakit ang tamlay mo? Kahit nung kausap kita sa cellphone kanina parang wala ka sa mood. Okay ka lang ba?" Tanong niya. Tumingin ulit ako sa kaniya at ngumiti.
"Okay lang ako" Nanatili akong nakangiti. Kahit nakakangawit ay ngumingiti ako sa tuwing nagtatama ang paningin namin ni bren.
Ngumingiti kahit hindi naman tunay na masaya. Hindi ko alam kung anong bigat sa puso ko ang nararamdaman ko ngayon, nahihirapan tuloy akong solusyonan dahil hindi ko naman alam ang problema. Dahil ba sa sinabi ni stefen? O dahil sa pagsisinungaling ko kay bren pati sa sarili ko? Hindi ako masaya kaya bakit ko kailangang ngumiti at kailangan kong maging masaya kaya hindi ko na kailangang mamili, Hindi ko iiwan si bren. Hindi ko yun pipiliin.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)