CHAPTER 14: Conversation

776 29 0
                                    

Naglalakad ako paakyat sa hagdanan dala yung piatos at yung mga sinabi ni tita.



'Kapag hindi ka pumayag, Wala kang baon ng One Month!'



Gusto kong umiyak at maglupasay pero nakakahiya. Ano bang naisip ni tita? Patulugin ang isang lalaki sa loob ng kwarto ko?! Kasama ako?! Tama ba yun? Ughhh!



Pumasok ako sa loob ng kwarto at sinara ang pinto. Nagbibihis si bren sa banyo ng pinahiram ni tita na damit ni jek. Hindi pa bumabalik si jek. Saan kaya nagpunta yun?



Bumukas yung pinto ng kwarto ko. Akala ko si bren na yung papasok pero si tita yung nakita ko.



"Jim.." Lumapit siya sakin at ngumiti.



"Bakit po?"



"It's for your own good honey.." Ngumiti siya at ano? For my own good?



"Ano po?"



"Nakikita ko ang mga mata ng mama mo sayo pag tumitingin siya sa papa mo" Natahimik ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?



"May tiwala ako kay Morice. Good Night" Ngumiti siya sakin at lumabas ng kwarto ko. Hindi ko alam kung saan ba ko magugulat. Sa sinabi ba ni tita o sa Way niya ng pagsasalita at pagngiti?



Pumasok na si bren sa loob ng kwarto ko at nakita kong suot niya ang bagong T-Shirt ni Jek na panlakad at isang Tokong na panlakad ni jek. Magagalit yun. Hahaha. Mukhang komportable naman si bren.



"Sa lapag na lang ako" Sabi niya at umiling ako.



"Baka ipakulong ako ng tatay mo pag d'yan kita pinatulog.." Tumawa ako pero nawala yung tawa ko ng makita kong hindi siya tumawa.



"Pasensiya na ha, Naabala ko pa kayo" Sabi niya ng seryoso. Anong nangyari? May nasabi ba kong masama?



"Ano bang nangyari?"



"Si daddy.. Tinawagan ako kanina. Sabi niya wag muna daw ako uuwi. Hindi ko alam kung bakit pero wag kang mag alala. Uuwi din ako bukas.." Ngumiti siya pero pilit. Naglalatag na siya sa lapag at nakaramdam ako ng konsensya.



"Dito ka na sa kama.. D'yan na lang ako" Lumapit ako sa kaniya pero hinarap niya ko at hinawakan sa magkabilang balikat.



"Dun ka na.." Tinulak niya ko ng mahina at tumango na lang ako. Sure ba siya? Hindi naman siya sanay dun eh.



Humiga na ko sa kama at pumikit pero biglang may pumasok sa isip ko.



"Bren?"



"Hm?"



"Sino si Ry?" Matagal bago siya sumagot pero tawa ang una kong narinig.



"Kilala mo siya" Sabi niya habang nakaupo sa latag na ginawa niya.



"Sino kasi?" Biglang nag-ring yung cellphone niya at napatingin ako dun. Tinitigan lang ni bren yun at parang nagdalawang isip bago sagutin.



"Hel-- Ay binaba?" Napatingin ako sa kaniya at siya sakin. Tumawa siya kaya natawa din ako. Sana ganito lang ang buhay noh? Tawa lang ng tawa.



"Sino yun?"



"Hindi ko alam, Unknown number. Kamusta ka naman?" Sabi niya habang may pinipindot sa cellphone.



"Okay lang. Masakit pa din yung sabunot ni mich pero okay lang yun. Makakaganti din ako"



"Gaganti ka pa? Wag na" Sabi niya at binaba yung phone niya.



Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon