"A Plan to ruin your heart"
Para akong binagsakan ng eroplano sa sinabi niya. To ruin my heart. Nice.
"Then?" Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Nagbago ang plano" Sabi ni jewell na naglalakad na din sa tabi ko.
"Nakwento ka kasi niya sakin. Sabi niya ikaw daw yung babaeng kumuha ng picture at binablackmail mo daw siya. Inis na inis siya sayo at umabot na sa punto na nagkaroon kami ng plano. Plano na nabago.."
"Nasira yun dahil sinira niya" Tahimik lang akong nakikinig kay jewell.
"Naaalala mo nung pinabato niya ko ng papel sayo? Kasama sa plano yun. Kailangan mo kong makilala. Yung sinabi ko sayong deal namin ni bren kaya niya ko pinabato noon? Hindi yun totoo. Si bren ang dahilan kung bakit ka napasok sa Theater Org. Kinausap niya si Ms. Sarrosa Dahil nandun ako. Gusto niyang magkagusto ka sakin at maging tayo tapos kukunin ko ang memory card at hihiwalayan na kita. Yan ang plano. Ang isip bata diba?" Tumawa ng mahina si jewell.
"Pero sa bawat gagawin namin ang plano. Lagi niyang pinipigilan. Hindi ko alam na seryoso pala siya.. Seryoso pala siyang may gusto na siya sayo"
"Sabi niya wag na daw ituloy yung plano dahil liligawan ka na niya. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin. Sasabihin ko ba sa kaniya?"
"Sasabihin ko ba sa kaniyang gusto na din kita?" Napahawak ako ng mahigpit sa suot kong damit. Nakakaramdam na ko ng hilo at lamig.
"Tang*ina lang kasi. Bakit ba lagi na lang akong naiiwan sa ere? Nasasaktan din naman ako. Tao din ako" Tumawa si jewell pero yung tawa niya.. pekeng peke.
"Sabi ko naman hahayaan na kita sa kaniya pero bakit hindi ko magawang hayaan ka sa kaniya? Ayokong masaktan ka sa huli. Ayokong masaktan ka dahil.." Tumigil sa pagsasalita si jewell at parang nakaramdam ako ng kaba.
"Ano?"
"Wala" Sabi ni jewell at parang may pinahid siya sa mukha niya.
"Hahayaan na kita sa kaniya jim. Pero pag nalaman kong umiyak ka ng dahil sa kaniya. Hindi ako magdadalawang isip na bawiin ka.." Ngumiti siya at tumawa ulit. Pinipilit niyang tumawa. Pilit.
"Aalis ba siya?" Tanong ko kay jewell. Gusto kong malaman. Aalis ba talaga siya?
"Hindi ako ang makakasagot niyan" Hindi na ko nagsalita dahil nakita ko na agad ang isang pamilyar na kotse na paparating.
Huminto yung kotse sa harap namin ni jewell at bumaba si bren.
"Bakit ka nasa labas? May lagnat ka diba?" Lumapit sakin si bren at parang hindi niya nakita si jewell.
"Tara na. Bumalik ka na sa inyo" Hinawakan ni bren ang kamay ko, hinila ako papunta sa kotse at sinakay ako. Naglakad na si jewell palayo. Umandar na ang kotse at nakabalik na kami sa bahay.
"Bakit mo siya kasama?" Mahinahong tanong ni bren.
"May sinabi lang siya"
"Ano?"
"About your plan" Sabi ko.
"Sinabi niya?"
Tumango ako at binukas ang pintuan ng kotse. Hinawakan ni bren ang kamay ko kaya napatigil ako sa paglabas.
"May pupuntahan pa tayo" Sabi ni bren at sinara ang pinto. Pinaandar niya ang kotse.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)