CHAPTER 48

625 11 1
                                    

Kahit anong mangyari, Wag kang bibitaw.



No matter what happen, just hold on



I love you, Jim









Napasinghap ako ng hininga sabay sa pagdilat ng mga mata ko. Ulit ulit ang paghabol ko ng hininga na para bang matagal kong hindi 'yon nagawa.



Ramdam ko pa din ang pananakit ng katawan ko. Ang hilo at ang hapdi ng mga natamo kong sugat.



"Jim?" Nakarinig ako ng pagtawag sa pangalan ko. Boses ng isang babae. Nagpalibot libot ang mga mata ko at unti unti, nakikita ko na ng malinaw ang paligid. Teka.



B-Bakit nandito ako?



"Mama" Napatingin ako sa batang nagsalita sa tabi ko.



Nanlaki ang mga mata ko sa nasasaksihan ko ngayon. Nangyari na 'to. Ito yung araw na yun, yung araw na... Namatay sila mama at papa. At.



A-Ako yun. Ako yung bata.



"Saan po tayo pupunta?"



Tumulo ang luha ko kasabay ang pag ngiti. Si mama, totoo ba 'to? nakikita ko ulit siya?



Hinawakan ko ang kamay ni mama pero laking gulat ko nang tumagos lamang ang mga iyon.



Hindi.



Biglang huminto ang kotse at nagulat kami nang biglang may mga lalaking binasag ang bintana ng kotse gamit ang hawak nilang mga baril.



Tumingin ako sa batang ako na nasa tabi ko. Nakikita ko ang takot na naramdaman ko noon. Yayakapin ko sana ang batang ako pero..



"Ipikit mo ang mga mata mo, jim"



Nakita ko ang nakangiting labi ni mama habang ipinipikit niya ang mga mata ko. Bumigat ang pakiramdam ko dahil sa nangyayari. Bakit sa lahat naman ng ala-ala ito pa yung nakikita ko ngayon?



"Love na love ka ni mama, jim"



Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano tumulo ang mga luha ni mama.



Lalong tumulo ang mga luha ko nang marinig ang mga putok ng baril. Niyakap ni mama ang batang ako at sinalo ang lahat ng bala.


Sa unang pagkakataon, nakita ko kung paano patayin ang mga magulang ko. Naiintindihan ko na mama kung bakit mo ako pinapikit.



Dumilim ang paligid at tanging hagulgol ko lang ang naririnig ko.



"Jim"



Narinig ko ang boses ni mama sa kadiliman ng paligid. Nagpalinga-linga ako sa kadiliman pero kahit anong gawin ko, wala pa din akong makita.



"Mama!"



"Idilat mo ang mga mata mo, anak. Wag kang bibitaw. Tandaan mo, Mahal na mahal ka ni Mama"



Naramdaman ko ang paghawak sa mukha ko. Unti unting lumiliwanag ang paligid ngunit patuloy pa din ako sa pag iyak.



"Mahal na mahal ka ni mama."














Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon