My eyes!
Nakatayo lang ako sa gilid ng isang cabinet at nag iisip. Joke lang, syempre sumisilip ako.
Iniisip ko kung ano bang dapat kong gawin, Nakakailang. Bren's kissing Ms. Santos torridly and they're both topless.
She's just wearing a bra, her eyes were closed as they're doing that private lesson. Yung totoo? Hindi manlang sila kilabutan.
So ito pala ang Mr. Perfect ng lahat, Si Bren Vellana na Ipinagmamalaki ng lahat. Grabe siya makapag Alcohol kanina e, mas grabe pa pala siya sa kamay ko.
Hindi ko alam gagawin ko, Kinakabahan ako, Hindi ako mapakali. Parang may gusto akong gawin e.
Sa hindi malamang kadahilanan ay tumama ang paningin ko sa hawak kong cellphone.
Ako lang ba nakaisip o naisip mo din?
Lumayo ako ng konti sa gilid ng cabinet at binuksan yung cellphone ko.
Medyo maliwanag pa din sa loob dahil sa ilaw na nanggagaling sa labas. Perfect... para sa picture taking. *A low-volume of laugh*
Lumapit ulit ako sa cabinet at..
*CLICK*
ANAK NG BONELESS TINAPA! Bakit may FLASH?!
Napatingin sila sakin at napahinto sa ginagawa nila. Nag ayos bigla si Ms. Santos at yung tingin ni bren. Nyemeeees! Nakakatakot!
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at parang gusto akong kitilan ng buhay ng mga titig ni bren. Uh-OH
"A-ano... R-remembrance... Hehehehe" Nagtatakbo ako palabas ng storage room diretso sa gate. Huminto lang ako nang makarating ako sa gate.
Yumuko ako at napahawak sa tuhod ko. Shems, Layo din non ah. Tumingin ako sa likod ko at baka hinabol ako ni bren... ng naka top less.
At nadismaya naman ako dahil wala sya... Joke lang. Hahaha.
Tinago ko na yung cellphone ko sa bulsa ko at baka madisgrasya pa, sayang effort ko!
Nagsimula na kong maglakad, hindi naman ako natatakot kay bren- kinakabahan lang. Sa yaman ba naman non eh kaya kong sipain papunta sa mars. Pero wala akong pake alam. Mayaman sya? Mayabang ako! Nasakin ang malupit niyang sikreto. I repeat.. MALUPIT na sikreto. MWAHAHAHAHAH!
"Kaya walang nakikipag kaibigan sayo eh, tumatawa ka mag isa" Lumapit sakin si jek at inakbayan ako.
"Bitawan mo ko! Kadiri ka!" Ina-alis ko yung akbay nya pero lalo lang niyang binigatan.
"Eto naman, pasalamat ka nga inaakbayan ka pa ng pogi mong pinsan eh." Pogi? Saan?
"Tigilan mo k--" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil tinakpan nya yung bibig ko.
"Ingay mo, ibibigay na daw ni mama yung baon natin kasi nilins ko yung bahay. Kaya magpaakbay ka na, kung di dahil sa 'kin wala kang baon." binelatan nya ko at tumahimik na lang ako.
Ano? Di na uso pride ngayon, mas mahirap magutom sa school. Hindi ko naman makakain yung pride ko eh.
Mama nya kase nagpapaaral sakin, wala na kasi akong magulang. Okay, wag na natin pag usapan.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)