CHAPTER 41

605 16 0
                                    

I'm getting a six month course- Culinary. Ga-graduate na ko. Ang bilis.



Pero hindi dapat iyon ang problemahin ko. Monday na. And Sunday kahapon. Yesterday should be our dinner date with bren and his fiancé. Should. But I didn't come.



Ayoko masaksihan kung gaano sila ka-sweet sa harapan ko. Pinag iisipan ko pa nga kung ibabalik ko pa ba yung white rose na bigay niyang suhol noon para pumayag lang ako. Pampalubag manlang ng loob niya But I already ate the white chocolate. Will he accept it? Ofcourse not. Bulok na nga yung bulaklak. Nawala pa yung chocolate.



Siguro mag so-sorry na lang ako? Nakailang missed calls at texts siya sakin pero ni isa. Wala akong sinagot.



At ngayon.. Hindi niya ko pinapansin. Dinadaan-daanan lang niya ko. Magkasama kami sa iisang bubong ng trabaho namin. Alam kong masisikmura niyang hindi ako pansinin pero Alam ko din na hindi niya kayang sikmuraing hindi gumamit ng banyo.



Tinago ko yung susi ng banyo. Gaya ng ginawa niya dati para kausapin ko siya.



Pero waepek. Siguro nga galit siya. He expected me to be there.. his fiancé as well. But I didn't come. Nakakagalit nga yun.



"Br--"



"What?" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko may sagot na siya? Inaabangan niya ba ko.



"Gagamit ka ba ng banyo?" Umiling lang siya. Tumango ako.



Then everything flew back to normal. Hindi na naman siya nagsalita. Nakaupo lang siya sa tabi ko at nakatingin sa pinto.



"Sorry hin--"



"It's okay"



Hindi na naman niya ko pinatapos sa pagsasalita.



Katahimikan.



*Ting*



Napatingin ako sa pintuan nang may pumasok, Si Light. Ngumiti siya sakin at napatingin siya kay bren. Nagkatitigan sila pero inalis agad ni Light ang titig niya at sakin bumaling.



"Pinapabigay ni Lio" Pinatong niya ang isang box sa harap ko.



"Salamat" Ngumiti ako kay Light at hindi sinasadyang napatingin ako kay bren. Nakatingin siya sa box na nasa harap ko ngayon.



"Pinapapunta ka nga pala ni mama sa Thursday sa bahay" I saw bren show a bit of shock on his face.



Syempre magugulat siya. Kasal niya ng Thursday at Syempre ulit.. Ine-expect niya ko dun.



"Pasensya na may lakad kasi ako sa Thursday eh. Punta na lang ako kapag maaga akong nakauwi"



"Ah. Ganun ba. Sige, alis na ko. Dinaan ko lang talaga yan dito eh. Pinapabigay na kasi ni Lio"



"Pakisabi kay Lio Salamat" Tumango lang si Light at nagpaalam na. Tumingin siya kay bren at tumango pero hindi ko nakita ang reaksyon niya.



Umayos ako ng upo at bubuksan na sana ang kahon nang magsalita si bren.



"Who's Lio?" He said it with his deep voice. Ang seryoso ng dating.



Napatingin ako sa kaniya at napataas ng kilay.



"Light's Son" Napatango lang siya. Narinig ko pa siyang bumulong ng 'He already have a son? He's too fast'



Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon