CHAPTER 36: Just Don't

611 13 0
                                    

I tried my best to concentrate on the screen but I failed.. again.



"Ano ba yan! Kanina ka pa talo, masyado mo namang pinapamukha sakin na magaling ako" Binaba ko ang controller at tumayo para umupo sa sofa.



"Ikaw naman" Sabi ko kay erah. Umupo na siya sa tabi ni somina at ako naman ang umupo sa sofa at sumandal.



Napatingin ulit ako sa screen ng cellphone ko. Kanina pa ko natatalo sa Teken dahil sa text ng text. Hindi ko mapigilang hindi tumingin sa screen kapag nagba-bivrate and that would be a great chance for somina to attack.



"Ano? Yan lang alam mong moves?" Sabi ni somina at si erah naman ay pangiti-ngiti na lang.



Hindi pa din naaalis ang tingin ko sa mga text niya.



From: Bren

Hey



From: Bren

What do you prefer? A red velvet or a simple chocolate cake?



From: Bren

Saan ka? Are you busy? Guess you're not :) Pls. Reply



From: Bren

Can we meet?



Anong akala niya sa ginagawa niya? He's Flirting! Nilalandi niya ko! Ikakasal na siya. Anong gusto niyang gawin ko? Maki-paglandian din sa kaniya? Duh. Ilang araw na siyang nangungulit. Text siya ng text at minsan tawag ng tawag. Umiiwas ako dahil alam ko ang tama sa mali.



Naisip ko nga. Ikakasal na siya. Nang ganoon lang kabilis? For one year? Kung isasama pa ang panliligaw or ilang kalandian.. Oh sorry. Kung ang ilang suyuan nila ay isasama. Siguro mga ilang buwan pa lang sila.



Tapos kasal na? Ito pa nga ang isang iniisip ko. Pagdating niya doon, Nanligaw agad siya sa babaeng kakakilala niya pa lang? Walang 3 Month Rule?



"Why so deep naman ng iniisip?" Nagulat ako ng magsalita si somina. Nakaharap na sila sakin ngayon.



"Nagpapahinga lang"



"Wow. Pahinga? Parang Move On?" Sabi ni erah at tumingin kay somina. Mahina silang tumawa. Hindi pa nila alam na nandito na si bren. At wala akong planong sabihin 'yon sa kanila.



"Ang dami niyong alam"



*Bzzzzzzzzzt*



Light Calling...



Tumayo ako at lumabas para sagutin ang tawag ni light.



"Hello?"



"Jim"



"Bakit?"



"Pwede ka ba ngayon? Uhm.. Ano kasi.. Hinahanap ka ni Lio. Kanina pa kasi nagmumukmok"



"Sige pupunta na ko d'yan"



Pumasok ako sa bahay pagkababa ko ng tawag.



Pumasok sa school. Diretso kay Lio pagkauwi. Umuwi sa bahay at magpahinga. 'Yan ang everyday routine ko. Dahil Linggo ngayon ay wala akong pasok kaya hindi ako naka-diretso kay Lio. Pupunta naman dapat ako kay Lio pero naunahan lang ako ni light at masyado pang maaga. At si Lio nagmamaktol? Hindi ko pa siya nakitang magmaktol.



Nagpaalam na ko kila erah na bago ako paalisin ay kung anu-ano pang sinabi.



"Naku. Baka mamaya anak mo talaga si Lio ah"



Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon