"Sino ba kasi baker niyo? Sarap ah! Award sakin yun!" Sabi ni somina habang ngumunguya.
Nandito sila ni erah ngayon sa cake shop at kanina pa nila hinahanap yung baker namin buti na nga lang absent si bren. Kung hindi mahabang paliwanagan na naman to. Hindi ko sinabi sa kanila na si bren ang baker namin, dahil pag sinabi ko sa kanila. Malamang, May gagawin na hindi maganda tong dalawa.
"At grabe lang yung mga pangalan ng cake! Sino ba kasi baker niyo? Pangalan lang oh! Add ko lang sa FB tapos icha-chat ko. Magsisimula ang love story namin online! Odiba!" Ang ingay talaga ni Somina.
"Seriously, Sino ba talaga ang baker niyo? Bakit parang ayaw mong sabihin?" Si erah naman ng nagtanong.
"Si Mang Gustin" Sabi ko at tumango-tango sa kanila.
"So he's older than me? Fine, It doesn't matter. Age doesn't matter" Sabi ni somina at tumawa ng malakas.
"Sigurado ka bang magugustuhan ka nun? Eh sa lakas mong kumain baka maghirap kayo at iwan ka na lang niya dahil laging ubos ang stock niyo" Biglang pinalo ni somina si erah sa braso.
"Ouchy ah!" Tumawa kami at nagpatuloy lang sila sa pagkain. Dahil wala namang gaanong customer ay nakipagkwentuhan muna ko sa kanila. Boring din kasi dito. Cellphone ko lang ang madalas na hawak ko at pabasa-basa ng kung anu-ano sa Wattpad. Binabasa ko yung ilang stories ni Light. Na magaganda at napapatanong talaga ako ng 'Si Light ba talaga ang author nito?'
"Paano ba yan. Gabi na. Hina-hunting na ko ng tatay ko. Uwi na kami Jim ah. Kita kits na lang bukas sa school"
Nagpaalam na sakin yung dalawa. Hinatid ko sila hanggang pintuan lang dahil hindi ko naman pwedeng iwanan ang cake shop.
Hindi pumasok si bren dahil nilalagnat pa din siya. Hindi kinaya ng katawan niya na pumasok pa. Kaya ako lang mag isa dito. Sa totoo lang, Hindi naman sa nami-miss ko siya pero parang ganoon na nga. Wala kasi akong kausap at ka-kwentuhan. Nasanay na din kasi ako na ka-kwentuhan siya sa gabi kaya siguro naninibago ako ngayon.
*Bzzzzzzzzzzt*
Light Calling..
"Hello?"
"Nasa trabaho ka?"
"Yup. Bakit?"
"Sige bye"
*Toot* *Toot* *Toot*
Anong problema nun? Bakit naman napatawag ng ganitong oras at magtatanong lang pala kung nasa trabaho ako. Alam naman niya eh.
Napatingin ako sa humintong tricycle sa labas ng cake shop. Akala ko costumer na pero napangiti na lang ako ng makita kung sino yung bumaba.
Si Light.
"Uy" Sabi ko pagpasok niya. Nakangiti ako sa kaniya at ganun din siya sakin.
"Bakit ka naman napunta ng ganitong oras?"
"Ah. Ano.. Wala lang. H-Hindi kasi ako makatulog. Kaya naisip kong puntahan ka na lang"
Umupo siya sa upuan kanina kung nasaan si somina. Ngumiti siya at nilibot ang paningin sa cake shop.
"Hindi ka natatakot dito?" Tanong niya at biglang ngumiti ng makahulugan.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)