"Happy Birthday!" Biglang ngumiti si Lio pagpasok namin sa kwarto ng hospital.
"Wow!" Kung nakakatayo lang siguro si Lio ay nagtatakbo na siya palapit sakin at niyakap kami.
Nilapit namin ang mga lobo at pagkain sa kaniya.
"Happy Birthday Lio!" Lumapit si somina at binigay ang regalo nila ni erah.
"Salamat po" Sunod naman akong lumapit at inabot ang regalo ko.
Ngumiti sakin si Lio at hinila ako para yakapin. Narinig ko ang mahina niyang pagpapasalamat sakin.
Sunod na lumapit si Light. Habang tinitingnan ko sila ay nakakaramdam ako ng pagkirot sa puso ko. Ang hirap ng sitwasyon ni Light.
Inabot niya ang paper bag na hawak niya.
"Happy Birthday Lio" Niyakap niya si Lio.
"Ang sweet nila ano?" Sabini somina. Tumango ako.
"Picture!" Napatingin kami kay erah na sumigaw. Nagpicture-picture kami kasama si Lio. Isa isa kami na nagpa-picture kay Lio at dahil malakas ang trip ni somina at erah ay pinicturan kaming dalawa ni Light nang hindi namin alam. Tumataw pa kami ni Light kaya nakanganga kami pareho.
"Kain na" Sabi ni Light at kumain na kami. Wala ang mama ni Light, umuwi daw sa bahay nila.
"Masarap ba?" Tanong ni Somina kay Lio.
"Masarap!"
"Oh kita mo jim! Sabi ko sayo the best ang carbonara ko eh!" Sabi ni Somina at nag thumbs up ako sa kaniya.
Sa totoo lang.. Ako ang nagluto nun.
Matapos naming kumain ay nagkaroon din ng mini games sa loob ng kwarto. Laging si somina at erah ang player kaya ang ingay sa loob.
Matapos naming magsaya sa birthday party ni Lio ay nagpaalam na sila somina. May bibilin pa daw kasi sila. Dito muna ko dahil wala naman akong gagawin. Mamaya pa naman ang pasok ko sa trabaho.
Nakaupo ako sa sofa at nakatingin kay Lio.
"Salamat ah" Sabi ni Light na nakaupo sa gilid ko.
"Okay lang yun. Basta para kay Lio" Ngumiti ako sa kaniya at ganun din siya sakin. Matagal din kaming natahimik.
"Jim" Bulong niya peeo sapat para madinig ko.
"Hm?" Nakapikit ako habang nakasandal ang ulo sa sandalan ng sofa.
Narinig ko ang pagbuntong niya ng hininga.
"Alam mo bang kamukha mo yung ex ko?" Napadilat ako dahil sa sinabi niya pero nanatiling nakasandal ang ulo ko sa sandalan at ang mata ay nakatingin sa kisame.
"Pero.. Ibang-iba kayo"
Natahimik ulit ang paligid. Umayos na ko ng upo at diretso ang tingin ko kay Lio na natutulog.
"M-Mas gusto kita"
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Nanlamig bigla ang kamay ko.
"Gusto kita"
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang mama ni Light. Tumayo bigla si Light at lumapit sa mama niya. Habang ako ay nananatiling nakaupo.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)