CHAPTER 5: Break Her Heart

1.2K 26 1
                                    

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kay Jek. Matapos lahat ng narinig ko kagabi, parang gusto ko siyang yakapin at sabihing 'okay lang yan'





Para na kaming magkapatid, sabay kaming lumaki. Kahit hindi kami magkadugo at madalas akong mabwisit sa kaniya, mahal ko din 'tong Jek na to.





Nakatulala siya habang nanunuod. Nilapitan ko siya at kinausap.





"Kamusta ka?"





"Bakit?" Sabi niya at hinawakan ang remote, nilipat niya ang channel.





"W-wala lang." Tatayo na sana ko pero napaupo ulit ako sa sinabi niya.





"Narinig mo diba?" Yung kagabi? Dinig na dinig. Hindi ko alam kung paano 'ko sasagot. Kaya tumango na lang ako.





Katahimikan ang bumabalot sa buong sala, ngayon ko lang nakitang ganito ka-seryoso ang mukha ni Jek. Mas sanay ako sa mapang-asar na Jek.





"Mahal ko siya, sobra. Alam mo naman yun diba? Akala ko kasi ganun din siya sa kin. Akala ko kaya ko syang baguhin sa pagiging playgirl niya. Pero sino ba ko? Tulad nga ng sabi niya, bestfriend lang kami at alam mo pa ang sabi niya? Wala daw akong kayang ipagmalaki at hindi kami bagay." Yumuko siya at tumawa... ng peke.





Pinatay niya yung TV at halos mabingi ako sa katahimikan. Pati ako nasasaktan, gusto kong sabunutan si Mich. Ang laki ng pinagbago niya, sobra. Yung dating tahimik at mabait, naging isang tulad niya. Hindi ko nga alam kung sino na si Mich ngayon.





Magsasalita ba ko? Ano ba kailangan kong gawin? Papayuhan ko ba siya?





"Si Bren." Napatingin ako sa kaniya nang banggitin niya yun. Ano naman si bren?





"Anong meron kay Bren?" Tanong ko at umayos ng upo para maka-harap siya. Anong kinalaman ng Vellana na yun dito?





"Si Bren ang gusto ni Mich, madalas niya yon i-kwento sa 'kin." Natahimik ako, hindi naman na bago yun. Maraming nagkakagusto sa lalaki na yon, hindi kasi nila kilala e.





"Ah." Yun na lang ang nasabi ko. Hayy, Bakit ba kasi ganon ka-gwapo si Nren? Ang dami tuloy gustong makuha siya.





"Kilala mo si Bren, di ba?" Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at syempre mas nagulat ako sa tanong niya.





"Alam kong close kayo, kalat na kalat na sa school na lagi kayong mag kasama." Weh? Kalat na? Seryoso?!




"Talaga? Hindi naman kame clo--" Humigpit yung hawak niya sa kamay ko at kinabahan ako sa sunod niyang sinabi.





"I need your help, Jim."





--




Naglalakad ako ngayon papunta sa locker ko, hindi ko alam kung dapat ko bang sundin si Jek pero kahit ako gusto ko din yon mangyari para matauhan na din si Mich. Naaawa ako kay jek. Nakikita ko sa mga mata niya yung sakit na masabihang, 'wala kang maipagmamalaki at hindi tayo bagay'. Hayyy. Ganun ba talaga kagulo ang Love? Kailangan may masasaktan at hindi mawawala ang mananakit?





Bago ko buksan yung locker ko ay may nakita akong note na nakadikit sa pintuan.





Library, 12:00 pm. Ang nakalagay. Sino ba to? Pinapa-punta ako sa library. Baka si Bren, kailangan ko din siyang maka usap kaya pupunta ako. Bakit naman ako kakausapin ni bren? Bahala na nga.





Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon