"I have a star
and I kept it in a jar.
It was so bright
But I can't take my eyes off of the light.
I don't want it to lose
I'll walk with it until the only thing I have is a pair of shoes.
But that star needs to grow
It means that I have to let it go.
As the days passed, my jar was broke
That star flew and disappeared like a smoke.
The tears fell with the rain
I don't want to cry but it is the only way to ease the pain.
I know that one day i'll recover
Then smile after.
I don't want to stop you then say please,
I just want to tell you this.I have to let you go, my star
Beacause I Love You even you go that far and left alone my broken jar."Huminga ako ng malalim bago ibaba ang hawak kong papel.
"Thank you for your poem, Ferosa. You may now sit down"
Bumalik ako sa upuan ko dala ang mga tingin nila. Madaming nagbubulungan. Madaming nagtanong at ngiti lang ang sinagot ko sa kanila.
Natapos ang klase kaya lumabas na ako agad ng classroom. Nang mapadaan ako sa tabing building ay naalala ko ang theater org.
Nakakamiss yung practice, yung kulitan, yung tawanan, Si bre-- Nevermind.
Naglakad na ko palabas ng school nang maramdaman ko ang pagpatak ng tubig sa pisngi ko.
Nagmadali ako sa paglalakad para hindi ako maabutan ng ulan pero wala pa din. Naabutan pa din ako.
Sumilong ako sa isang saradong tindahan dahil wala akong payong. Dito na lang ako magpapatila.
Medyo naaanggihan na ko ng tubig dahil sa lakas at basa na din ang sapatos ko. Nang mapatingin ako sa bintanang sarado na nasa likod ko ay bumalik sakin ang mga alaalang ayoko ng balikan.
Hinawakan ko ang dibdib ko at huminga ng malalim. Sinusubukan ko namang kalimutan pero paano ko kakalimutan kung iyon na mismo ang lumalapit sakin?
May isang itim na kotse ang huminto sa harapan ko. Ayokong tumingin pero hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa pamilyar na kotse.
Bumukas ang pinto at una kong nakita ang isang payong na bumukas at sumunod ay ang may hawak ng payong.
Parang ikamamatay ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko ngayon, kasabay pa ang hirap ng paghinga.
Yumuko ako at napakagat sa labi. Pinipigilan kong huwag siyang harapin dahil sa tuwing nakikita ko siya. Nasasaktan ako.
"Jim"
Napapikit ako ng sabihin niya ang pangalan ko sa mababang boses. Yung boses na nagpapagaan sa araw araw ko.
"H-hatid na kita" Sabi niya.
Nag angat ako ng tingin at ngumiti.
"Hindi na" Hahakbang na sana ako para sugurin ang ulan at magtatakbo palayo dahil mas mabuti nang mabasa kesa makasama siya sa ganitong sitwasyon pero hinawakan niya ang braso ko at hinarap ako sa kaniya.
"Iiwasan mo na naman ako" Sabi niya ng seryoso. Hindi siya naka-uniform ngayon kaya malamang hindi siya pumasok.
Hindi ako sumagot dahil ayoko ng pahabain pa ang sitwasyon. Inalis ko ang hawak niys at nagtatakbo.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko habang tumatakbo.
"Jim!" Takbo lang ako ng takvo at hindi ko iniisip kung basang basa na ko.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)