CHAPTER 28: Final

583 14 0
                                    

Nahihirapan akong idilat ang mga mata ko dahil sa puyat. Wala pa kong tulog dahil sa poem na ginawa ko kagabi na halos abutin na ko ng madaling araw dahil ayaw gumana ng utak ko.



Ayaw gumana ng utak ko dahil may ibang iniisip, may ibang pinoproblema. Nakagawa naman ako pero hindi pa tapos, hindi pa naman buo ang one week ko eh.



Tumayo ako sa kama at dumiretso sa baba. Nagluluto si jek ng agahan, marunong na siya. Masaya ako dahil dun.



Pagapasok ko sa banyo ay tumingin agad ako sa salamin, napatitig ako sa sarili kong mga mata.



Ito na pala, Dumating na pala yung araw na to.



Kahit ipagkaila ko ay hindi maitatago sa mga mata ko ang hindi pagkahanda. Hindi pa ko handa dahil akala ko hindi to mangyayari samin, dahil akala ko panaginip lang ang lahat at pagkagising ko ay walang nangyari, walang aalis, walang masasaktan at walang iiyak.



Pero hindi ko naisip na wala pala kami sa panaginip, nasa reyalidad kami. Sakit, Luha, Pag alis—lahat yan totoo sa mundo ng reyalidad, Sa mundo kung nasaan ako ngayon.



Naghilamos ako at nag toothbrush, kumain, naligo at nagbihis.



"Okay ka lang? Bakit parang wala kang kibo?" Sabi ni jek habang pinagmamasdan akong nagsusuklay.



Ngumiti ulit ako. Ngiting peke pero kailangang panindigan, kahit mahirap.



"Okay lang ako" Binaba ko ang suklay at nakaramdam ako ng sakit sa dibdib dahil sa tatlong salitang yun.



Umalis na ko ng bahay at pumasok. Hindi ako nagpasundo kay bren dahil... Kailangan ko ng masanay. Tama. Magsasanay na ko.



Hinimas ko ang noo ko pagkaupo ko sa bus. Para akong lalagnatin.



*Bzzt*



From: MyCoffeeBean

Saan ka na? Sunduin na kasi kita :( Bakit ba ayaw mo magpasundo? Galit ka ba sakin? :(



To: MyCoffeeBean

Kailangan ko din kasi mag exercise noh. Hindi ako galit sayo, ano ka ba :)



Hindi ako galit sayo dahil galit ako sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at nilagay ang cellphone ko sa bulsa.



Kung mahirap magsinungaling sa ibang tao, mas mahirap pala magsinungaling sa sarili mo.



Nang makarating na ang bus sa tapat ng school namin ay bumaba na ako.



Paghawak ko sa bakal na nasa gilid ng pintian ng bus ay nakita ko ang pink na singsing na bigay ni bren.



Napangiti ako dahil dun. Sinuot ko pala to? Kahit plastic at pambata ay hindi ako nahihiyang isuot. Galing naman kay bren.



Pumasok ako sa room ng walang kibo hanggang sa matapos ang lahat ng klase dahil wala si joy, absent. Dahil hindi ako cleaners, wala na akong karapatang mag stay sa room kaya bumaba na ko para pumunta ng theater org. room.



Teka. May date kami ni bren!



Bakit ba nakalimutan kong may practice kami? Ugh.



"Jim" Napalingon ako para makita siya.



"May practice pala tayo" Sabi ko at ngumiti.



Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon