CHAPTER 3: Jewell

1.3K 42 6
                                    

Ang ganda ng umaga ko ngayon dahil sa mga nangyari kahapon, pati nga si Jek nangitian ko.




"Wag ka na ulit ngingiti, nakakatakot" sabi ni Jek at sinagot ang cellphone niyang kanina pa nagri-ring.




Nagluto na ko ng agahan at pagkatapos kong mag ayos ay umalis na ko.




Pagsakay ko ng bus, hinanap ko agad si Bren. Malay mo nandito ulit siya saka kukunin ko na yung cellphone ko, paano kung hindi siya maniwala na nasa 'kin pa din yung picture? Edi wala akong bagong cellphone? Bahala siya!




Wala siya sa bus. May isa pa kong hindi maintindihan, paano niya nalaman yung number ko at yung bahay namin?




Pag baba ko sa school ay bumungad sakin ang mga naglalakihang tarpaulin na may nakalagay na VOTE WISELY.





Tumatakbo pala si wisely? Char.




Nakita ko din ang mga tarpaulin na may iba't ibang mukha at nakita ko si Bren, tumatakbo siya bilang presidente? Di naman na bago yun eh. Sabagay matalino naman siya at saka nagkalat ang mga fans club niya dito sa school kaya sure na mananalo siya.




August na pero ngayon pa lang ang botohan.




Umakyat na ko sa room ko. Fourth floor ang mga fourth years kaya isang buong taong pahirapan 'to.




Pagpasok ko sa room ko ay lumapit sakin si Jen at may inabot na papel.




"Ano 'to?" Tanong ko sa kaniya.




"Pinapabigay ni Ms. Sarrosa." Umalis siya sa harap ko at ako naman ay pumunta na sa upuan ko. Bakit naman ako bibigyan ng papel ng teacher ko sa Theater? Binuksan ko yung papel.








Ms. Jia Maico Ferosa,

You HAVE to be part of our School's Theater Organization because of your grades last grading. If you don't want to be part, just find your new teacher in Theater.

Attend our first meeting, 5:30 pm in Theater Org. Room.

Ms. Sarrosa.







Watda! Ano? Ano?! Theater?! Thater Org.?! Ayoko!




Konti lang ang gustong sumali sa Theater Org. Kasi 'sabi nila' nakakatakot daw magparusa si Ms. Sarrosa lalo na sa mga nagkakamali, nale-late at hindi sumusunod. Paano na ko niyan?




Natapos ang unang subject na parang wala lang dahil reporting lang naman at habang nag iisip ng malalim tungkol sa kung paano ko tatakasan ang Theater Org. ay biglang pumasok si Ms. Santos na bumuhay sa diwa ko.




Umayos ako ng upo at napatingin sa 'kin si Ms. Santos. Ngumiti ako sa kaniya at umiwas naman siya ng tingin. Ayan, tama yan. Matakot ka sa mukha ko.




Tinititigan ko lang siya at sa bawat magtatama ang mga mata namin ay sinisigurado kong maiinis siya sa magaganda kong mga ngiti.




Natapos ang Math na todo iwas pa din si Ms. Santos sa 'kin. Nakakatawa talaga yung reaksyon niya kapag ngumimgiti ako. Nakakatakot ba talaga ako pag ngumingiti?




Dahil Vacant, pupunta muna ako sa canteen. Siguro nagtataka ka kung bakit wala akong kasama palagi. Hindi kasi ako mahilig makisalamuha, alam mo na. Hindi Friendly.




Naglalakad ako pababa ng hagdan nang may kumalabit saken.




Paglingon ko ay nakita ko siya.




Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon