CHAPTER 17: Camp

809 21 0
                                    

Friday. September 2. 9:30 AM



Nakasakay ang buong section ko ngayon sa bus papunta sa lugar na pagca-campingan namin.



Excited na ko dahil maganda daw yung lugar tapos konting lakad ay may dagat daw. Isa sa pinakagusto kong bagay ay ang makapanuod ng paglubog ng araw habang nakaupo sa pampang. Kaya nung nalaman kong may dagat ay sobrang saya ko. Sayang, Hindi makakasama si jek kasi may sakit siya.



Naglagay ako ng headset sa tenga ko dahil matagal tagal daw ang biyahe dahil malayo. Katabi ko si joy na naglalaro sa cellphone niya.



Sinandal ko ang ulo ko sa may bintana at tiningnan ang magagandang tanawin sa labas. Nakakita ako ng isang malaking tarpaulin na may nakalagay na welcome. Naalala ko si bren dun sa tarpaulin.



Kahapon lang yun nangyari pero pakiramdam ko parang minu-minuto umiikot sa isip ko ang huli niyang sinabi. Siya lang yung lalaking nakitaan ko ng ganun kaya hindi ko din masisi ang sarili ko kung bakit ko siya nagustuhan.



*Bzzt*



Tiningnan ko ang text ni jewell. Tungkol kay jewell, Nag sorry din siya sakin kahapon.



From: Jewell kabute

Ferosa! Kakausapin ka daw ni Ms. Sarrosa mamaya! Kasama siya sa camping



Nireplyan ko siya.



To: Jewell Kabute

Bakit daw?



Matagal bago nagbivrate ang cellphone ko pero nung tingnan ko. Hindi naman si jewell. Lumawak ang ngiti ko sa nabasa ko.



From: Mandalene's Morice

Nakakapanibago, Di mo na ko binablackmail. I missed it. Joke :) Haha




To: Mandalene's Morice

Me too :) Isip ako ng ipapagawa :)




From: Mandalene's Morice

Just kidding Jia Maico. Don't take it seriously :(




To: Mandalene's Morice

I'm not kidding vellana. You're the one who pushed me to do this :) Thanks for reminding me.




From: Mandalene's Morice

You're not serious.




To: Mandalene's Morice

I'm Serious




Hindi na siya nagreply. Nainis siguro. Hahaha. Gusto ko naman na itigil yung pangba-blackmail sa kaniya pero may parte ng katawan ko na gusto pang ituloy.



Dahil sa haba ng biyahe ay nakatulog ako.


--


"Jim" Nakaramdam ako ng pagtusok sa pisngi ko Kaya napadilat ako. Nakita ko si joy na nakangiti.



"Nandito na tayo" Lumalabas na ng bus ang iba kong kaklase kaya nagayos na din ako ng mga gamit para makalabas na.



Konti lang ang dala ko. School na daw kasi ang magpo-provide ng Tents, Foods, Mga lamesa at iba pa.



Paglabas ko sa bus ay bumungad agad sakin ang sariwang hangin, mga puno at isang mahabang daan papasok sa loob ng gubat na parang hindi naman gubat sa sobrang ganda.



Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon