Isang magandang morning ang bumungad sa mga mata ko.
Joke. May maingay kasi na nagwawala sa labas ng kwarto ko ngayon at nahadlangan ang isa kong magandang panaginip.
"Jim!" Tawag niya sa maganda kong pangalan. Binato ko ang unan ko sa pintuan at tumigil naman siya sa pagkatok.
"Katok ka ng katok. Hindi naman naka lock!" Bumukas ang pintuan at sumalubong ang mukha nyang puno ng pawis.
"Paano patayin yung alarm clock na binigay ni mama?!" Sabi niya at halatang nagpapanic na siya.
Seriously? He broke my beautiful dream just because of that alarm clock?!
"Binato ko na pero ayaw niya talaga mamatay." Binato ko siya ng isa pang unan sa mukha.
"Bakit mo binato?!"
Hindi ko alam. Wala na ata talagang pag asa ang pinsan ko na 'to. Hinila niya ko papunta sa kwarto niya at pinakita ang isang kawawang alarm clock. Hiwalay hiwalay na ang case nito pero tumutunog pa din.
I pressed the button on the upper part of the clock and it stopped. Huminga ako ng malalim at humarap kay Jek na nagkakamot ng ulo.
"Hindi ko nakita yung pindutan." I rolled my eyes. Pinukpok ko sa ulo niya ang alarm clock saka bumaba ng hagdan.
"Jim! Magluto ka na!" Wow, talagang may gana pa siyang utusan ako? Alam ba niya kung anong klaseng panaginip ang nasira niya?! Wala na kong ganang magluto dahil hindi natuloy ang pagtakbo ko sa ulan kasama si enrique gil!
"Magluto ka mag isa!" Nagtimpla ako ng gatas. I just prepared a bowl of oats, wala akong ganang magluto. Nagdadalawang isip nga ako kung papasok ba ko ngayon, 200 na lang ang pera ko at pagkakasyahin ko pa 'yon sa loob ng isang linggo!
And it's all because of Jek! Nagdala kasi siya ng barkada niya dito at hindi ko alam kung ano ang mga ginawa nila. Pag uwi ko ay basag ang lamesa sa sala at madaming kalat. Nalaman 'yon ni tita na mama ni Jek kaya inalisan niya kami ng baon sa loob ng isang linggo! Iiyakan ko na lang 'yon.
Kailangan kong pumasok dahil mas malalagot ako kay tita kung mababang grades na naman ang ipapakita ko sa kaniya.
"Di mo ko pinagluto?" Inirapan ko si Jek bago ako pumasok sa banyo para maligo. Hindi kasi niya marunong mag luto, di 'ba? Big turn off 'yon! Ang hirap magkaroon ng pinsan na katulad niya. Actually, hindi ko naman talaga siya pinsan. Ampon siya ng tita ko na nagpapa aral sa 'kin ngayon. Mabait naman si Jek, pag tulog.
--
Bumaba ako sa hagdan dala ang back bag ko.
"Alis na ko, Jek. Bawal kasi may kasamang pet sa bus kaya mauna na ko sa 'yo. Baka hindi ka kasi papasukin."
"Anong pet? Sa gwap--" Sinara ko na ang pinto at naglakad. Hindi ko na siya pinatapos. Sayang ang ganda ko ester oras ko.
Pumunta na ko sa sakayan at bumaba. Logic.
Sumakay ako sa bus at hindi ko namalayang nagmamadali pala si kuyang driver kaya habang pasakay ako ay bigla siyang umandar nang mabilis.
"Ay anak ka ng palaka!"
Napasubsob ako sa flooring ng bus! Napansin kong nakatingin silang lahat sa 'kin at insert kahihiyan. Tumayo ako bigla at umupo sa malapit na upuan. Ano? Mag s-stay pa ba ko don habang nakahalik ang maganda kong lips sa flooring para mag karoon ng maraming likes sa facebook? Di ako tulad nila. May auto like naman. *Laugh*
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)