Two months to go before my OJT. Two months pa yun pero pinoproblema ko na. Mas maganda ng isipin yun kesa sa mangyayaring kasal bukas. Okay, Hindi ako bitter. I just don't want to realize that tomorrow is the begining of his happily ever after. Okay again, I don't want to think of it but It doesn't mean that I don't want it to happen. Gusto ko syempre. But in other way.
Ayokong sirain yun. Ayoko din makita. Hindi ko pa din mailalayo sa sarili ko na apektado pa din ako kay bren. At syempre kasal yun, seryosong bagay. Hindi naman yun isang bagay na kapag napagsawaan mo, itatapon mo na. Masyadong deep kaya napapaisip pa din ako hanggang ngayon kung bakit magpapakasal agad si bren kay unknown girl. Ganun na ba niya kakilala yung babae kaya papakasalan niya agad?
"Kanina ka pa tulala" Bumalik ako sa Earth ng magsalita si Light.
"Okay ka lang?" Tumango ako at ngumiti.
"Sure?" Tumango ulit ako. Masaya palang tumango, eh?
Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng librong hawak ko at napatigil ng may maalala.
"Kay Lio ba talaga galing yung cupcakes?" I lower the book to look at him. He took a sip on his cup then he smile. Ang galing niyang ngumiti, ano? Parang walang problema. Ang sarap sigurong maging talent yung laging pagngiti?
"Of course"
"Lio won't prefer flower shaped cupcakes" Natigilan siya at umiwas ng tingin.
"Ako kasi ang namili" Casual na sagot niya. Tumango na lang ako at medyo napangiti ng mamula siya.
Hindi naman siya nanliligaw sakin. Masyadong advance ang isip ni bren. Ano namang masama kung kay Light nga galing yun? He's my friend and i'm willing to receive his gift with no malice.. Kasi nga kaibigan ko siya. Cupcakes lang yun. Magtataka ako kung kotse ang ibigay ni Light at isa pa.. He didn't asked me for a permission of courting at the first place.
"Paano kung sakin nga galing?" Tanong niya habang nakatakip ang libro sa mukha. Hindi na lang ako sumagot at tumawa na lang ng mahina. It doesn't matter, nakain ko na nga lahat eh.
Nandito kami sa Book-L-Café dahil.. wala lang. Wala kasing pasok at na bored ata si Light sa kanila. Nilabas na kasi ng hospital si Lio dahil maayos na ang lagay niya. Kaya pinapapunta ako ng mama ni Light bukas kasi magce-celebrate pero hindi ako pwede. May 'lakad' kasi ako.
At isa pa, wala kaming pasok sa cake shop. Pinasara muna ni tita ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit.
Matapos naming kumain ay umuwi na ko. May pupuntahan pa daw kasi si Light.
Tumawag agad ako kay Tita pagdating ko sa bahay. Itatanong ko kung may balita na siya kay jek.
"I talked to him awhile ago. He said he's okay. Don't worry about him, jim. He's old enough. He can handle himself"
"Ah. Ganun po ba. Akala ko kasi kung ano ng nangyari sa mokong na yun eh. Hindi manlang ako i-text. Sige po"
"Okay, Don't stress yourself. Kaya ako nagsarado ng cake shop para sa beauty rest mo. Sige, Loveya"
*Toot Toot Toot*
Beauty rest? Si tita talaga. Bumaba ako sa sala at nanuod ng TV. Huling beses ata akong humilata sa sofa ay nung high school pa ko. Isang taon pa lang ang nakalipas pero parang ang tagal na. Iba talaga kapag bihira ang pahinga.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)