August 29. Monday.
Sumasakit ang ulo ko kung sinu sino ang pipiliin ko. Di ko naman sila kilala eh.
Sino ba kasi nag pauso ng botohan. Botohan na sa school namin. Nagdadalawang isip nga din ako kung iboboto ko ba si bren eh.
Bahala na. Bilog lang ako ng bilog. Nakakatuwang magbilog.
Nakita ko yung pangalan ni bren at nilagyan ko ng 'panget' sa dulo. Di naman nila alam na akin 'to eh. Hahaha. Binoto ko na siya. Kawawa naman.
Hinulog ko na yung papel sa ballot box at lumabas ng room. Mamaya pa ang klase dahil botohan ngayon. Kaya pupunta muna ko sa canteen.
Hindi ko pa nakikita si bren, pero si mich. Kanina pa. Ang tagal ko siyang hindi nakita at sana hindi na lang siya nagpakita. Naririnig ko pang ipinagkakalat niyang sila na ni bren.
Ano namang paki alam ko diba? Wala naman diba? Hindi naman ako naiinis eh. Hindi!
Bago ko maka punta ng canteen ay may umakbay sakin.
"Alisin mo 'yan" sabi ko, inalis naman niya.
"Sungit" Naiinis ako, hindi ko alam kung bakit.
"Binoto mo si bren?" Sabi niya.
"Wala namang choice.."
"Meron, kaya nga dalawa silang tumakbo eh." Hinila ko yung buhok niya kaya napa aray naman siya.
"Tigilan mo kong kabote ka, ipagupit mo pa 'yang buhok mo" Sabi ko at pumasok na sa loob ng canteen.
"Kabote?" Sabi niya.
"Bigla bigla ka kasing lumilitaw.." Sabi ko at umupo.
"Ayos ah. Teka, Start na ba tayo ngayon? Yung deal?" Sabi niya at tinaas taas ang kilay at umupo sa harap ko.
Oo nga pala, yung tungkol sa deal. Pumayag ako kasi, hindi ko alam.
Tinanong ako ni jewell kung gusto kong mapatunayan yung IHACOYJMF ni bren. Siyempre gusto ko. Kaya naisip niyang magpanggap kami na 'kami' kahit hindi. Sa harap lang ni bren. Wala namang kakaibang ibig sabihin yung deal kaya okay lang saka may tiwala naman ako kay jewell. Wala naman sigurong masama? Saka para mapatunayan ko din kung totoo ba yung IHACOYJMF.
Pag napatunayan ko? Hindi ko alam ang gagawin.
"Sa harap lang ni bren"
"Okay, teka. Yung play. Kamusta? Start na tayo ng practice mamaya. Nabasa mo na ba?" Sabi ni jewell at oo nga pala, yung play!
"Hindi pa, sino ba ka-partner ko? Ikaw ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko alam. Ang sabi ni Ms. Sarrosa. Yung play daw na 'to ay para sa mga baguhan. Matagal na ko sa Theater Org. Kaya sa technicals ako, Lights. Nag pa audition ata si Ms. Sarrosa last week eh? Pero lahat ng nag audition hindi galing sa Org. Hindi member."
Napa 'ahh' na lang ako. Okay sana kung si jewell yung partner ko. Para komportable naman ako kahit papaano.
Nakita kong nagkumpulan yung mga tao sa pintuan at parang manghang mangha sa nilalang na pumasok.
Hinila ko si jewell para tumabi sakin at inakbayan ko siya. Medyo nagulat pa siya pwro nung makita niya si bren eh, nakisama naman. Alam kong masagwa na ako yung aakbay pero okay na 'to ang bagal ni jewell eh.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)