Tulala ako habang nakaupo sa sofa. Naramdaman ko si tita na umupo sa tabi ko na hawak ang ipad niya.
"Nasan si morice?"
"Nasa labas po" Nagangat ako ng tingin kay tita, seryoso siyang nakatingin sa ipad niya at bigla siyang tumingin sakin.
"May gusto ka ba kay morice?" Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.
"A-ano po?"
"May gusto ka ba kako kay-- oh! Morice! Saan ka galing?" Napatingin ako kay bren na nakangiting pumasok.
"Sa labas lang po, may kinausap" Tumingin sakin si Morice--ek Bren.
"Kakain na!" Sigaw ni jek galing sa kusina at Tama ka ng iniisip, Nagluto si jek. Kinakabahan ako sa kakainin namin.
Tumayo na si tita at dumiretso sa kusina. Tumayo na din ako pero biglang may humawak sakin.
"Don't leave me here, I-i'm Nervous" Matatawa sana ko sa sinabi niya pero hindi ako makatawa. Ang hirap pala tumawa pag bagong sabunot ka.
"Nervous? Wag mo kong lokohin. Naka-kain ka na dito kaya wag ka ng kabahan. Di bagay sayo" Hinila ko ang kamay ko sa kaniya pero hinawakan niya ulit. Tinaasan ko siya ng kilay at ngumiti.
"Magbibihis ako. Sasama ka?" Napabitaw siya tapos ngumisi.
"I'm not interested" Naglakad na siya papunta ng kusina at nilagpasan ako. Tinatawag na kasi siya ni tita. Nagpaalam akong magbibihis lang ng pang araw araw.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay napahawak agad ako sa noo ko. Ano ba yung hawak ni bren? Nakakakuryente.
Nagbihis na ko dahil sigaw ng sigaw si tita sa baba na bilisan ko. Kaya kahit ano na lang yung madampot ko, sinuot ko na.
Bumaba ako ng hagdanan at dumiretso sa kusina.
Umupo ako sa tabi ni bren—yun lang naman ang bakante. Nagsisimula na silang kumain at sumandok na din ako ng kanin.
"Ano bang problema? Anong nangyari? Bakit mo buhat si jim kanina?" Sunod sunod na tanong ni tita na hindi naman kumakain. Nakatingin lang siya sakin at kay bren.
"May nangyari lang tita.." Sabi ko at tumingin kay jek. Napatingin siya habang nakataas ang kilay at parang nagtatanong. Sasabihin ko bang si mich ang dahilan?
"Anong nangyari?" Kay bren nakatingin si tita kay bren kaya hindi na ko sumagot. Nararamdaman kong kinakabahan si bren.
"May nakasabunu-- Ah!" Sinipa ko si bren at napatingin si tita sa kaniya ng diretso at nag taas ng kilay. Napalunok siya. Hindi pwedeng malaman ni Tita.
"Sumakit po kasi yung ulo niya" Pagbabago ni bren. Napahinga ako ng maluwag nang tumango si tita.
"Kamusta naman kayo?"
"Ano pong kami?" Tanong ni bren at sumubo na ko ng pagkain. Ang sarap ah. Tinanguan ko si jek at ngumiti. Ayos ah. Kelan to natuto?
"Yung kayo" Tinuro ako ni tita gamit ang kutsara niya.
"Wala pong kami" Kinakabahang sagot ni bren.
"Edi gumawa ka ng paraan para maging kayo" Naibagsak ko ang hawak kong kutsara at agad yung kinuha. Napatingin ako kay tita at naramdaman kong may sumipa sakin.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)