CHAPTER 50

891 19 0
                                    

"Late na tayo." Biglang nanlumo si bren habang nakatingin sa orasan niya.


"Ikaw kasi eh." Sabi ko.


"Anong ako? Ikaw kaya." Sagot niya at pinitik ang noo ko.


"Ikaw!" Hinila ko yung patilya niya habang siya naman ay napapikit sa sakit.


Flight sana namin ngayon papunta ng States para doon mag celebrate ng special day namin pero dahil late kami at naiwanan kami ng eroplano. Wala na, Hindi kami natuloy. First time ko pa naman makakasakay ng eroplano. Hindi na kami pwede magpa-book dahil magagalit ang daddy ni bren. For sure he will get mad to bren kapag nalaman niyang na-late kami. Nilibre na nga lang kami ni bren sa 'Sarili nilang airport' tapos sinayang lang namin.


"Madami pa namang next time." Sabi ni bren sabay ngiti sakin.


"Yep." Hinila ko siya patayo sa kinauupuan namin at inaya na siyang umalis.


Dahil meron akong mayaman, gwapo, mabango at may sariling kotseng boyfriend. Ihahatid niya ko sa bahay namin. Perks of being a girlfriend of Bren Vellana.


"Okay lang ba sa'yo na hindi tayo natuloy?" Tanong niya. Tumango ako at hinawakan ang malambot niyang kamay.


"Pwede naman tayo mag celebrate kahit hindi sa states. Pwede naman tayo sa bahay, sa mall, sa luneta o kaya dito sa kotse mo." Natatawa kong sabi.


"Punta na lang kaya tayo ng tagaytay?" Tanong niya. I looked outside the car and start to think where should we go for this special day.


"Baguio?"


"Laguna na lang? Enchanted?"


"MOA?"


"Kakagaling lang natin don kahapon." Tumingala si bren at umakto na parang nag iisip.


"Alam ko na kung saan." Sabi niya habang nakangiti ng malawak.


"Saan?" Hindi siya sumagot at pinaandar lang niya yung kotse


Ano na naman kaya ang naiisip nito? Sabagay, Kung saan saan lang kami gumagala ni bren. Nasanay na din ako na kung saan saan niya ko dinadala. Mas gusto ko nga yun. I feel safe when i'm with him.


"Nasayo pa ba yung uniform mo nung high school?" Napa angat ang kaliwang kilay ko dahil sa tanong niya.


"Bakit?"


"Wear them."


"Bakit? Kung kelan naman tayo naka graduate saka ka naman nag feeling High school." Ngumiti siya.


"Basta. Just wear them." He pinched my nose. Ako naman ay humarap sa kaniya at tinitigan siya. Well, Lagi ko 'tong ginagawa. Anong magagawa ko kung ang sarap niyang tingnan? I mean, masarap siyang tingnan kasi gwapo siya.


Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng isang tulad niya. Si bren yung tinatawag na package. Nasa kaniya na lahat eh, yung lahat ng hahanapin ng isang babae sa pangarap nilang lalaki. Kaya hindi naman ako nagsisi sa lahat ng mga sinakripisyo at ginawa ko para sa kaniya. Duh, He's worth fighting for! Sa totoo lang kulang pa nga 'yon kumpara sa mga ginawa niya para sakin.


"Alam ko." Bigla niyang sabi.


"Huh?"


"Alam kong gwapo ako. 'Wag mo na ko titigan." Ngumiti siya at *sigh* 'Yan lang ang hirap sa kaniya e'. Masyadong confident sa kagwapuhan.


Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon