"Saan ka pupunta?" Sabi ni Jek na lumapit sakin para guluhin ang buhok ko.
"Ano ba! Maayos na yan e!" Sabi ko at pinalo ang kamay niya.
"Saan ka ba kasi pupunta?"
"Magsisimba. Sama ka?" Oo tama ka ng nabasa, magsisimba ako.
"Mamaya na lang akong hapon." Naglakad na siya pabalik sa sala. Matapos kong magsuklay ay hinanda ko na ang bag na dadalin ko.
"Sinong kasama mo?" Tanong ni Jek habang nakaupo sa sofa at kumakain ng chips.
"Bren." Napahinto siya sa pagkain ng chips at tumingin sakin.
"Boyfriend mo ba yun ha?" Sabi niya at natawa naman ako sa sinabi niya. Narinig namin ang nagdoorbell.
"Hindi."
"Bakit ka tumatawa?"
"Masama?" Sabi ko sa kaniya at naglakad palabas dala ang backpack ko.
Binukas ko ang gate at nakita ko siya. Una kong naamoy ang pabango niya.
Napatingin ako sa T-shirt niyang black na medyo fit sa kaniya at white pants saka black na vans. Black and white?
"Chess?" Sabi ko at tumawa tumaas naman ang kilay niya.
"Bakit ang tagal mong magbukas ng gate? Kanina pa ko nagdo-doorbell." Sabi niya.
"Tara na." Hinila ko siya papunta sa kotse niya at sumakay na kami.
Nang makarating na kami sa simbahan ay nagsisimula na ang misa. Habang naghahanap kami ni bren ng bakanteng upuan ay nakakarinig ako ng mga bulungan.
'Ang pogi!'
'Oh maaaay~ Angheeeel~'
'Di sila bagay nung kasama niya. Alanganin'Alanganin? Kung gawin ko kayang alanganin buhay niya ngayon? Sorry Lord, sorry.
Nang makahanap na kami ng upuan ay umupo agad kami.
Akala ko ay magiging matiwasay ang pagsisimba ko ay tama... akala ko nga lang.
"Ano ba?" Sabi ko ng mahina kay Bren na tinutulak ako. Buti na lang tulog yung katabi kong matanda.
Tumigil naman siya pero mas malala naman ang sumunod niyang ginawa.
"Bre--ek A-an-- Bren! Hihi~ Bren Putek!" Putek! Kilitiin daw ba ko?!
"Simabahan to. Hindi landian." Sabi nung babae sa likod namin. Hindi ko na nilingon dahil nakakahiya. Si bren kasi eh! Ughh!
Natapos ang misa. Bumalik na kami sa kotse at hindi pa din ako tumitingin sa kaniya. Naiinis ako! Ugh! Bakit sa simbahan pa!
"How's your morning?" Sabi niya at pinaandar ang kotse.
How's my morning? Ayun sinira mo. Ugh.
"I'm asking." Sabi niya.
"Alam ko."
"Galit ka?" Alam kong nakatingin siya sa 'kin. Ayokong tumingin sa kaniya. Ay ewan! Baka kasi mawala yung galit ko eh. Ugh.
"No."
"You are."
"No."
"Yes."
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)