CHAPTER 22: Secrets

665 17 0
                                    

(AN: Sorry sa mga bad words sa chapter na ito. Sorry)

--

"T*ngina. Ganito mo ba ko gag*hin pag nakatalikod ako ha?!"



Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ako makapaniwalang nangyayari to sa harap ko.



Sinuntok ni bren si jewell pero isang bagay ang kinagulat ko. Tinulak ni jewell ng malakas si bren at siya naman ang bumawi ng suntok dito.



Hindi ako makapagsalita. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng tubig galing sa mga mata ko. Kasalanan ko to.



"Hindi kita gin*go bren. Ikaw ang sumira sa plano tapos ganito? Ikaw ang nakakag*go" Plano? Anong plano? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Dalawang salita lang ang nagawa kong sabihin.



"Tama na.." Sabi ko sa mahinahong boses pero nanginginig.



Tumigil silang dalawa at tumingin sakin. Unti unti kong naramdaman ang panghihina ng tuhod ko at unti unti din akong bumagsak sa lupa. Napaupo ako sa basang lupa habang umiiyak.



"Jim" Naramdaman ko ang hawak ni bren sa braso ko para itayo ako pero tinanggal ko din yun. Tumingin ako sa mga mata niyang parang nagtatanong kung bakit ko yun tinanggal at tumingin ako kay jewell na nakatayo pa din habang nakayuko at patuloy ang paghinga ng malalim.



Naramdaman ko na ang lamig at ang patuloy na pagbagsak ng malakas na ulan.



"Ano bang nangyayari?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo. Hindi ako tumingin kay bren. Nakatingin ako kay jewell na nakayuko pa din. Nanginginig ang kamay ko sa hindi malamang dahilan.



Tumingin ako kay bren na nakayuko na din at parang umiiwas ng tingin sakin. May tinatago sila. Nararamdaman ko.



Napatingin ako kay jewell na naglakad palayo at biglang huminto.



"Hindi lahat ng bagay dapat malaman dahil kahit malaman mo yun.. hindi mo naman na mababago" Sabi niya at umalis.



Napatingin ako kay bren na hinawakan ang kamay ko at bigla akong hinila.. para yakapin.



"Sorry.." Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa sorry niya. Para saan yun? Hindi ko kailangan ng sorry ngayon. Kailangan ko ng sagot. Sagot sa mga tanong na binaon nila sa isip ko pero hindi ko mahukay.



Pero imbis na makapagsalita ay nakaramdam ako ng panghihina ng buong katawan at pagdilim ng paligid.


--


"Ang taas eh. Kaya niya bang bumyahe?" Narinig ko ang boses ni joy. Hindi ko maidilat ang mga mata ko dahil sa bigat nito at hindi din ako makagalaw dahil nakakaramdam ako ng sakit ng katawan. Nilalamig din ako.



"Sakin siya sasabay.." Narinig ko ang boses ni bren at ilang plastic na nagtutunugan.



"Sa bus niyo?" Boses ulit ni joy.



"Sa kotse ko" Nakaramdam ako ng paghawak sa kamay ko at ang pagsalat sa noo ko.



"Ang taas ng lagnat niya" Narinig ko ang mahinang boses ni bren.



Unti unti kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko si bren na nakaupo sa tabi ko. Ngumiti siya.



"Good Morning. Breakfast?" Tumayo siya at pumunta sa lamesa. Hinalungkat niya ang plastic doon at kinuha ang isang lunch box na may lamang pagkain.



Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon