Nakatitig lang ako sa kawalan habang tulala at nakaupo sa sofa.
Nandito ako ngayon sa mansion, sa sala mismo namin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa utak ko ang mga sinabi kagabi ni Zera sa bar.
"Always choose yourselves."
'Yan ang paulit-ulit na pumapasok sa utak ko, hindi na nga 'yan nawala kaya hanggang ngayon 'yon pa rin ang iniisip ko.
Kaya ko bang piliin ang sarili ko?
Kaya ko bang palayain si Avi?
Kakayanin ko ba?
Parang hindi ko ata kaya, lalo na ngayon na sobrang mahal na mahal ko na siya.
Pero nasasaktan na ako sa mga nangyayari sa amin, pero hindi ko rin siya kayang mawala.
Inis kong ginulo ang buhok ko habang nakayuko sa mga tuhod ko.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, naguguluhan na ako.
"Hey, are you okay?" Napa-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Charlie.
Umupo siya sa tabi ko habang may hawak na isang mangkok ng Manga.
"Akala ko ba may lakad ka?" Imbes na sagutin ang tanong niya ay tinanong ko rin siya pabalik.
"I didn't continue because bwesit si Charles." Conyo niyang sagot habang bakas naman sa mukha niya ang inis para kay Charles.
"Bakit? Anong ginawa niya?" Nagtataka kong tanong bago umayos ng upo at sumandal sa sofa.
"I told him to accompany me to the Mall to go shopping, but he said he was busy. However, when his friends here in the Philippines invited him, he readily agreed." Natawa ako ng bigla siyang sumimangot.
"Don't pout anymore, come on, I'll go with you." Nakangiti kong aya sa kanya.
Agad naman siyang napalingon sa akin habang maaliwalas na ang mukha at hindi na nakasimangot.
"Are you sure? Don't you have anything to do or anywhere to go?"
"Wala naman kaya tara na." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo habang siya naman ay dali-dali na rin tumayo.
"Just wait for me outside, itatabi ko lang itong isang mangkok ng Mango sa kusina then I'll also get my bag from the room." Nakangiwi akong tumango dahil ang conyo niya talaga.
Mabilis na siyang tumalikod at dumiretso sa kusina, habang ako naman ay lumabas na ng mansion at dumiretso sa garahe para kunin ang kotse ko.
Ang black Ferrari 488 GTB ang napili kong gagamitin naming sasakyan ni Charlie papunta sa Mall.
I quickly got into my car before taking it out of the garage and drove straight out of the mansion to wait for Charlie there.
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.
