Chapter 48

2.2K 48 6
                                        

Grabe, ang bilis naman nang araw. Tatlong araw na lang ay pasko na.








Ilang linggo na rin ang nakakalipas simula nang may mangyari sa amin ni Avi sa condo niya.








Hindi pa nga kami nagkikita ngayon dahil pareho kaming busy, tamang chat at call lang muna kami kahit nasa iisang University lang kami.








"Tangina, nakakapagod talaga." Gulat akong napalingon sa tabi ko nang marinig ko ang boses ni Zera.








"Nakakagulat ka naman." Reklamo ko.








"Kape pa." Natatawang pang-aasar niya.








"Tsk. Oh, tubig ka muna." Alok ko sa kanya bago inabot ang isang bottle nang tubig.








"Thank you." Agad niya naman itong tinanggap at ininom.








Tumango lang ako at binalik ko agad ang tingin ko sa mga student na busy ngayon sa pag-aayos para sa gaganaping event mamaya.








Nandito kami ngayon sa field at lahat kami ay busy, mamayang gabi kasi ay magkakaroon nang event tapos may pa-fireworks pa kaya todo ayos ang lahat dahil 2:30 na nang hapon at magsisimula ang event nang 6:30.









"Ayaw ko na." Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ko na nagsalita si Blue at umupo sa tabi ko.









Nagtataka kong tiningnan sina Green at Ame na naglalakad na rin palapit sa pwesto namin.









Nang makalapit sila ay agad din silang umupo pareho sa katabing bench na inuupuan din naming tatlo.









"Anong mga mukha 'yan?" Nakangiwing tanong ko sa kanilang tatlo dahil para silang binagsakan nang langit at lupa.









"Mukha nang pogi." Nakangising sagot ni Green.









"Gaga, stress na nga tayo nakuha mo pa mag-joke." May halong pang-aasar ni Ame.









"Oo nga naman, 'wag ka kasing mag-joke." Tatawa-tawang pang-aasar din ni Blue.









Pareho kaming natawa ni Zera dahil biglang umiba ang timpla nang mukha ni Green.










"Tangina niyo naman." Masama ang tingin na sabi ni Green.









Mas lalo kaming natawang apat dahil sa mukha niya na halos hindi na maipinta.









Napahinto lang kami sa pagtatawanan nang may babaeng huminto sa harap namin.










"Hi." Tumaas ang kilay ko dahil sa babaeng nasa harapan ko na ngayon.









Diretso lang ang tingin niya sa akin habang may ngiting nakaukit sa mga labi niya.









"Sino 'yan?" Rinig kong pabulong na tanong ni Ame.









"Hindi ko alam." Pabulong na sagot din ni Green.









"Hi? May kailangan ka ba?" Malumanay kong tanong.









Kumunot ang noo ko nang bigla siyang tumawa.









"May nakakatawa ba?" Kunot noo kong tanong.









Tears Of PainStories to obsess over. Discover now