2 weeks na ang nakakalipas simula nang mangyari 'yong sa office ni Avi, at 2 weeks na rin kaming okay.
Nandito ako ngayon sa condo niya, tahimik lang akong nanonood sa tv habang siya ay nasa kusina.
"Hell, come here." Rinig kong sigaw ni Avi, agad naman akong tumayo at pumunta sa kusina.
"Siomai ba 'yan?" Excited kong tanong nang makalapit ako.
"Yes, take some if you'd like." Agad naman akong kumuha nang isang siomai tsaka ito kinain.
"Sarap." Tumatangong sabi ko habang ngumunguya.
"Taste this." Lumingon ako sa kanya habang siya ay busy sa pag-ihip nang chicken curry para ipatikim sa akin.
Binuka ko agad ang bibig ko nang ilapit niya sa akin ang kutsara.
Nakatitig lang siya sa akin habang hinihintay ang reaction ko.
"Doesn't it taste good?" Kinakabahan niyang tanong.
Mahina akong natawa dahil ang cute niyang kabahan, yumuko ako at dinampian siya nang halik sa labi.
Agad din naman akong lumayo at nginitian siya.
"Sobrang sarap, pwede ka na maging asawa ko." Nakangising sabi ko.
Natawa na naman ako nang mamula ang magkabila niyang pisngi.
"Don't laugh." Naiinis niyang saway sa akin habang hinahampas ang balikat ko.
"Ang cute mo talaga, HAHAHAHAHA." Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa kakatawa dahil mas lalo pa siyang namula.
Grabe, sobrang pula na nang mukha niya.
"S-stop it."
Agad naman akong huminto sa pagtawa pero ang ngisi ko ay hindi ko inalis.
"Grabe ka pala kiligin sa akin 'no?" Mapang-asar kong tanong sa kanya.
"Shut up." Masungit niyang sabi.
Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ko dahil bigla siyang umiwas nang tingin.
I turned off the stove as I slowly approached her, looking directly at her.
"W-what are y-you d-doing?" Nauutal at kinakabahan niyang tanong habang umaatras palayo sa akin.
Hindi ko siya sinagot dahil mas lalo pa akong humakbang palapit sa kaniya hanggang sa na corner ko siya.
Yumuko ako para magpantay ang mukha namin habang ang dalawa kong kamay ay nasa magkabilang gilid niya.
"H-hell." Kinakabahan niyang banggit sa pangalan ko.
"Calm down, I'm not biting." Mahinahon kong sabi sa kanya habang ang mukha ko ay unti-unti nang lumalapit sa kanya.
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.
