Chapter 53

1.4K 59 15
                                        

"Hoy, kanina ka pa tulala. Ayos ka lang ba talaga?" Gulat akong lumingon sa katabi kong si Zera ng magsalita siya.








"H-ha? Ano ulit ang sinabi mo?" Sabog kong tanong.








"Kanina ka pa ganyan, may problema ba?" Nag-aalalang tanong naman ni Green.








"A-ah HAHAHA, ayos lang ako." Pilit tawa kong sagot.








"Alam mo naman na pwede kang magsabi sa amin 'di ba? Kaya kung may problema ka magsabi ka lang." Nakangiti lang akong tumango sa sinabi ni Blue.








"Sabihan mo lang kami para madamayan ka namin." Nakangiting sabi ni Ame habang kumakain ng ice cream.








"Noted." Tumatangong sabi ko habang nakangiti.








Tumango lang naman sila bago nagpatuloy sa pag-kwentuhan at pagkain ng ice cream.








Nandito kaming lima ngayon sa Mall at nakaupo, nag-desisyon kami na mamasyal dahil namiss na namin ang bawat isa kaya naisipan namin na lumabas, natural wala naman kaming mga gagawin.








Tatlong araw na rin ang nakakalipas ng mag-celebrate kami ng pasko, hindi pa umuuwi sa Spain ang mga tita, tito at mga pinsan ko dahil dito rin sila mag-ce-celebrate ng New Year para sama-sama raw kami at para mas masaya.








Dalawang araw na kaming hindi nakakapag-usap ng maayos ni Avi dahil bumalik na si Kenneth, kaya nga nanghihina ako ngayon dahil sobrang miss ko na siya tapos halos saglit lang kami kung mag-usap dahil hanggang ngayon hindi pa alam ni Kenneth na nililigawan ko si Avi.








Nakiusap sa akin si Avi na huwag muna akong tatawag sa kanya, hintayin ko lang daw ang tawag niya dahil ayaw niyang mahuli kami ni Kenneth dahil ayaw niyang masaktan si Kenneth kasi mahal niya.








Parang ang dating nun sa akin, ayos lang pala na ako ang masaktan huwag lang si Kenneth. Masakit 'yon para sa akin pero wala rin naman akong magagawa dahil gaya nga ng palagi kong sinasabi, gusto ko naman 'tong ginagawa ko kaya kahit masakit ayos lang basta alam ko sa sarili ko na malaki ang chance na sasagutin niya ako.








"Teka, si Professor Volland ba 'yon?" Agad akong napalingon kay Green ng marinig ko ang apelyido ni Avi.








"Saan?" Excited na tanong ko.








"'Yon oh." Sinundan ko ang tinuturo ni Blue at halos tumalon sa tuwa ang puso ko ng makita ko si Avi na nakatayo sa harap ng isang Restaurant. Para siyang may hinihintay dahil nakatayo lang siya doon habang nakatingin sa loob, kasama niya siguro ang mga pamilya niya.








Agad akong tumayo sa pagkakaupo para puntahan siya pero agad akong hinawakan ni Zera sa kamay para pigilan kaya napalingon ako sa kanya.








"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya.








"Don't." Umiiling niyang sagot habang seryoso at diretso ang tingin sa mga mata ko.








Ramdam ko ang paglingon ng tatlo sa amin dahil siguro nagtataka rin sila sa ginawang pagpigil sa akin ni Zera.








"Bakit nga? Anong bang meron?" Kunot noo kong tanong.








Tears Of PainStories to obsess over. Discover now