"Oh, ano? Anong napala mo? Wala 'di ba? Hindi ka kasi marunong makinig sa akin, matigas kasi ang ulo mo kaya huwag kang maging sad girl diyan." Kahit hindi ako lumingon alam ko kung kaninong boses 'yon. Syempre kanino pa ba? Edi kay Zera na mainit ang ulo.
"Zera, ano ba!" Rinig kong saway sa kanya ni Ame.
"Hoy, ayos ka lang ba?" Kalabit sa akin ni Blue, tumango lang naman ako habang ang tingin ko ay nasa dinaanan pa rin nila Avi.
"Okay lang 'yan, shot na lang tayo." Excited na sabi naman ni Green habang naka-akbay sa akin.
"Anong shot?! Tumigil ka nga, ang aga pa para uminom." Masungit na sabi ni Ame.
"Anong pinagsasabi mong ang aga pa para uminom? Eh, 5:30 na kaya." Nakasimangot na sabi naman ni Green.
"Maaga pa masyado ang 5:30, pwede naman kahit mga 6:30." Taas kilay na sabi ni Ame habang naka-krus ang mga braso.
"Pero—" Aangal pa sana si Green pero agad siyang pinutol ni Ame sa dapat niyang sasabihin.
"Huwag ka na umangal kung ayaw mong isumbong kita."
"Tsk, oo na." Sukong sabi ni Green.
"Doon muna kaya tayo sa malapit na Park habang naghihintay ng oras, balikan lang natin mamaya ang mga sasakyan natin." Suhestiyon ni Blue.
"Okay." Sabay na sang-ayon ng dalawang mag-pinsan, habang kami naman ni Zera ay pareho lang tahimik.
Inalis ni Green ang pagkaka-akbay sa akin tsaka ako tinapik sa balikat at nginitian.
"Tara na." Aya niya sa amin.
Naunang lumakad si Green na agad namang sinundan ni Blue at Ame, habang kami naman ni Zera ay parehong nasa likod nila. Bale, nauuna silang tatlo sa amin dahil isang metro na ang layo nila sa aming dalawa ni Zera.
Pagkalipas ng limang minutong katahimikan ay bigla siyang nagsalita.
"Sorry sa mga nasabi ko kanina, nadala lang ako sa emosyon ko." Sinsero niyang paghingi ng pasensya.
Nilingon ko siya pero ang tingin niya ay nasa harap lang.
"Ayos lang, sorry rin kung hindi ako nakinig sa'yo."
"Kahit na hindi ka nakinig sa akin dapat hindi ko pa rin sinabi ang mga salitang 'yon." Na-g-guilty niyang sabi.
"Ano ka ba, wala 'yon. Naiintindihan ko naman kung bakit mo 'yon sinabi, kaya mo lang naman sinabi ang mga bagay na 'yon dahil ayaw mo akong masaktan." Tumatangong sabi ko bago binalik ulit ang tingin sa daan.
"Gusto lang naman kitang iiwas sa sakit pero ano bang magagawa ko kung ikaw na mismo ang gustong lumapit sa sakit. Matigas kasi ang ulo mo." Naiiling niyang sabi.
"Oo na, matigas na ang ulo ko." Natatawang sang-ayon ko.
Natawa rin naman siya kaya kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko sa simpleng pag-uusap namin.
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomantikWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.
