Pagkatapos nga namin ni Charlie mag-usap ay pareho na kaming dumiretso agad sa garden.
Lumapit ako sa kanilang lahat at binati ko na rin sila pati na ang mga kaibigan ko. Binati ko rin si kuya Steve na nandito ngayon bago ako lumapit kay lolo Victor.
"Lolo." Nakangiti kong tawag sa kanya.
"Apo." Nakangiti niya rin na tawag sa akin tsaka niya ako niyakap ng mahigpit.
Humiwalay rin naman kami agad sa isa't-isa tsaka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Mas lalo kang tumangkad." Naiiling niyang sabi habang nakangiti at nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
"Kaya nga po eh, ang tanda ko na nga rin po." Nakanguso kong reklamo na ikinatawa niya.
Natatawa siyang huminga ng malalim bago ulit nagsalita.
"Parang kailan lang ay maliit ka pa at kinakarga lang kita pero ngayon? Mas matangkad ka na sa akin."
"Lo, medyo matangkad lang naman ako sa'yo ng kaunti."
"Kahit na, matangkad ka pa rin."
"Huwag ka na po makipagtalo." Nakasimangot kong sabi.
"Oh sige, hindi na." Natatawa niyang sabi, agad naman akong napangiti dahil sa sinabi niya kaya mas lalo pa siyang natawa.
"Lolo, huwag ka na po tumawa." Nakanguso ko na namang reklamo.
"Bakit naman?" Nakangiti niyang tanong.
"Parang ginagawa mo po kasi akong clown." Natawa na naman siya dahil sa sagot ko kaya mas lalo pang humaba ang nguso ko.
"Huwag ka na ngumuso, nagmumukha ka ng pato."
"Lolo naman." Nakangiwi kong reklamo.
"Biro lang. Oo nga pala, may gusto sana akong itanong sa'yo."
"Ano po 'yon?" Curious kong tanong.
"May nagpapatibok na ba ng puso mo?" Dahil sa tanong niya na 'yon ay hindi agad ako nakasagot.
"B-bakit naman ganyan ang t-tanong mo, lolo." Alanganin akong tumawa dahil kinakabahan ako dahil baka kapag sinagot ko ang tanong niya ay bigla niya naman akong tanungin kung sino.
Kung sakaling tatanungin niya ako kung sino tapos sinagot ko siya na si Avi edi malalaman niya agad na may tinatago kami ni Avi. Kilala niya pa naman si Avi at Kenneth, alam kong alam din ni lolo na ikakasal na ang dalawa kaya siguradong papalayuin niya ako kay Avi, at ayaw kong mangyari 'yon.
"Meron na nga? Aba, sino itong ma-swerteng babae na nagugustuhan mo?" Nakangiti niya na namang tanong.
Ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa noo ko, ramdam ko rin ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi talaga ako nagkamali na tatanungin niya ako kung sino.
"A-ah, s-si a-ano po..."
"Sino?" Nakangiti lang siya habang nag-aabang sa isasagot ko sa tanong niya.

YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomansWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.